H

5 3 1
                                    

Chapter 13

Few weeks had passed and in all those few weeks, I felt love. Calev never failed to make me smile. He's always there beside me all the time.

Alam na ni Avery na kami na ni Calev. Napakiusapan ko naman syang hayaan na niyang ako ang magsabi kina Lucho ng tungkol sa amin ni Calev.

Natatakot kasi ako dahil feeling ko ay ayaw talaga nila kay Calev lalo na sila Lucho at Knox.

Papasok na ako sa main gate nang makita ko si Lucho. Nakasuot pa sya ng jersey nang tawagin nya ako. "Amy!" Hiyaw niya at excited na lumapit papunta sa akin.

"O, good morning Captain!" Bati ko sa kanya. Isinakbit nya ang braso nya sa balikat ko at amoy na amoy ko pa ang pabango nya kahit halatang nakailang practice na sila ng basketball. Ganoon ba talaga kapag m0wdel? Hindi nangangamoy pawis?

"Nood ka mamaya ha. 'Di pwedeng hindi." Paalala nya sa game nila mamaya laban sa Letran. Nandoon rin kaya mamaya si Calev? Matanong nga.

"Oo naman." Sagot ko. Sabay kaming naglakad papunta sa CEA. Pagdating namin doon ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan sina Avery, Rosé, Knox, at Greyson.

Napansin kong nagmumukmok si Rosé doon sa upuan nya at tahimik lang na nakikinig sa asaran nina Knox at Greyson tungkol sa pagiging matandang dalaga raw nitong si Avery. Natatawa na lang si Avery doon habang hinahampas ang dalawang pinakamaloko sa aming magbabarkada.

"O, eto pa yung isang matandang dalaga." Sabi ni Greyson habang nagmamadaling tumayo mula sa upuan ko at lumipat sa katabing upuan na pwesto talaga nya.

Rosé scoffed sabay irap sa amin. Napatingin kami sa kanya nang nagtataka sa inasal nya. Kelan pa sya natutong magtaray sa barkada? Oo nagtatarayan kami pero palaging pabiro lang. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan.

"Anong problema mo? Palibhasa marami kang papa kaya ganyan ka eh." Sabi ni Greyson saka siya binatukan ni Knox.

"Rosé? May problema ba?" Tanong ko dahil feeling ko ay any time iiyak na sya.

"Sa tingin mo, Amara, anong problema ko?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Rosé. May tampo ba sya? Anong problema? Sa akin?

"Anong sinasabi mo?" Hindi ko alam kung ano bang atraso ko. May nagawa ba akong masama sa kanya? Anong problema nya sa akin?

Inirapan nya lang ulit ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Meron ka 'no?" Kakamot-kamot ng ulong sabi ni Greyson.

"Kaya ayokong mag-girlfriend! Sakit sa ulo!" Sabi ni Knox saka inilabas ang notebook nya para sa unang klase.

Pagkatapos ng first class ay nauna nang tumayo si Rosé at lumabas na ng room.

Sinundan ko si Rosé na dumiretso sa harap ng building ng CICT. Naupo sya sa isa sa mga bench na naroon. Wala pang gasinong estudyante sa banda roon dahil lahat sila ay nasa kani-kaniyang mga klase.

"Rosé..." Bati ko sa kanya saka ako lumapit. "Can I sit?"

Tumango siya at yumuko.

"Can you tell me what's wrong? Wala talaga akong clue kung bakit ka nagtatampo. But whatever that is, I'm sorry Rosé. I didn't mean to hurt you. Sana mapatawad mo ako."

Itinaas niya ang tingin sa akin. Nawala na ang inis sa mukha niya saka niya ako niyakap ng mahigpit. "I'm sorry Amara. Hindi ka naman dapat nagso-sorry dahil ako lang talaga ang may problema. Sorry, Amara." She cried. Humihikbi pa siya habang yakap-yakap ako. Knowing Rosé, she's the softest of us all. Hindi lang halata since pinakatahimik si Avery sa aming anim.

For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon