Chapter 6
Friday na! Pagdating sa school ay sabay-sabay na kaming pumasok. Pahirapan pa nga sa paggising kay Greyson eh. Sinisipa na at lahat, hindi pa rin magising.
Kanina habang nasa klase ni Mrs. Rivera ay sobrang ingay ng mga kaklase namin dahil sinampal si John ng girlfriend nyang si Bea. Hindi namin alam kung bakit sya sinampal. Silang dalawa ang pinakamabait sa klase, sa totoo lang. Hindi namin alam kung bakit nagkaganoon. Kahit si Ma'am Rivera ay natigilan. Ang hirap ng may karelasyon! Buti pa ako single! Hehe
Nakareceive ako ng message request galing kay Calev sa Facebook. Hindi ko pa kasi sya inaaccept doon. Sa Instagram kami nagkakausap noon.
*Hi, can I talk to you later after class?*
"K." Was my only reply.
*Are you mad?*
"Ako? Why would I be mad?" Bakit naman ako magagalit.
Aminin mo, Amara. Oo hindi ka nagagalit, kung hindi ay naiinis ka dahil sa nakita mo noong isang araw.
Ang sabi nya kasi ay may importante raw syang gagawin kaya hindi sya makakapunta sa school.
Anyways, bakit ba ang OA ko? Ako ba ang girlfriend?
*I'll see you later. 😉*
Hindi na ko nagreply. Hindi rin naman kasi nya sinagot yung tanong ko 'di ba. Imbyerna pa rin ako sa kanya eh.
Nag-yaya sila Greyson na maggala na naman pero tumanggi ako. Makikipag-usap raw kasi si Calev sa akin.
Natapos ang klase at nakita ko na namang nagkukumpulan ang mga estudyante sa harap ng paaralan. Nakitanaw-tanaw ako sa kung saan o sino na naman ang pinagtsi-tsismisan nila. Nakita kong nakikiusisa rin sina Mia at Rivah doon. Kunwari ay mga nag-aabang ng tricycle pero 'pag may humintong tricycle ay iiling-iling.
Si Calev pala.
Naroon sya habang nakasandal sa may pintuan ng driver's seat at may hawak na tumbler galing Starbucks.
Lumingon-lingon pa siya sa paligid at tumingin sa gawi ko.
Ngumiti siya at naglakad papunta sa gawi ko.
"Hi!" Masigla nyang bati sa akin.
Nagsimula nang magbulungan ang mga kerengkeng sa lansangan.
Napalingon ako sa gawi nila Mia at Rivah na parang mga gulat na gulat na nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila at ibinaling muli ang atensyon kay Calev.
Iniabot sa akin ni Calev ang tumbler na malamig pa ang salat. "Ano 'to?" Tanong ko sa kanya habang dahan-dahang inaalog ang laman.
"Apple shake. Ginawa ko 'yan bago ako pumunta dito. That's 100 percent made up of apple. Try it." Sabi nya habang ine-encourage akong tikman yung apple shake na ginawa raw nya.
I tried to take a sip and viola! Lasang...apple nga. Lol.
Tumango-tango ako at ngumiti sa kanya. "Masarap." Kinikilig ako dahil naalala nya pa yung conversation namin about sa mansanas nung nakaraan. Baka may gayuma 'to ha. Charot!
"I knew you'd like it. Let's go." Pag-yaya niya sa akin.
Naglakad naman ako palapit sa sasakyan nya at naupo sa passenger seat. "Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko dahil wala akong idea kung saan ako dadalhin nito.
"Saan mo ba gusto? Starbucks? Bean?" Suhestyon nya. Hindi pa rin niya pinapaandar ang sasakyan.
"Kahit saan. Basta KKB at 'wag sa mamahaling lugar ha. Wala akong budget ngayon sa paggagala." Sabi ko naman. Honest ako pagdating sa ganito. Kung wala, wala talaga. Huwag kang magpanggap na meron kang pera kung wala naman talaga.
BINABASA MO ANG
For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)
RomanceStory number 1 for the Colegio Series, entitled: For The Love of Hargrove. A joint collaboration of MoonstarSolar (formerly known as SugarGoddess), Shin Chann, and unknownauthorofabcy. **** Warning Text copyright © Kiths L. Napao ™ 2020, 2021- The m...
