O

21 9 11
                                    

Chapter 2


"Oh my God! What happened to you?" Tanong ni Rosé nang magkita-kita kami sa Roberto's. Tinext kasi sila ni Lucho na doon na lang kami kumain at magkita-kita. Huwag na raw sa Coffee Project at naba-badtrip sya.

Mabuti na lang at walang masyadong tao. Kami lang ang nandito at isang grupo ng apat na mommies sa gilid na siguro ay nasa 40s na ang edad to 50 something.

Namili si Lucho ng antibacterial cream at band aid para sa sugat ko. May rabies kaya yung impaktang Stella na 'yon?

"Kung alam ko lang na may girlfriend pala 'yung Calev na 'yon, e 'di sana pala binato ko na lang 'yung jacket sa pagmumukha n'ya!" Napasipa ako sa inis at tinamaan sa tuhod si Greyson na nasa tapat ko.

"Aray naman! Ako ba ang bumugbog sa 'yo?!" Reklamo nito habang hinihimas ang tuhod sa sakit.

Kung alam ko lang talaga. Naku! Napagkamalan tuloy akong mang-aagaw!

"Hindi mo man lang napigilan agad, Lucho? Ikaw ang kasama, hello?" Sabi naman ni Avery. Dumating na rin si Knox na umupo sa tabi ni Lucho.

 Dumating na rin si Knox na umupo sa tabi ni Lucho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Well, ang sabi ni Amara eh hintayin ko daw siya doon sa may Uniqlo! I was busy texting you guys, and then I saw her na hatak-hatak na nung war freak na babae na 'yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Well, ang sabi ni Amara eh hintayin ko daw siya doon sa may Uniqlo! I was busy texting you guys, and then I saw her na hatak-hatak na nung war freak na babae na 'yon." Sabi naman ni Lucho.

"Whatever." Pag-irap ni Rosé kay Lucho. "Anyways, buti na lang scratches lang yang napala mo." Itinuro nya yung braso kong may band aid na ngayon.

"Anong meron? Bakit nagmukhang bruha 'to?" Tanong naman ni Knox na kadarating nga lang pala.

"Sinabunutan ako ng girlfriend nung lalaki sa Romantic Baboy!" Sabi ko kay Knox saka sya tumawa. Masaya pa sya ha? "Sige tumawa ka pa, nang ikaw naman ang sabunutan ko."

Itinaas nya ang mga kamay niya na parang sumusuko. "Pwede mag-sorry?" Sabi nya ng tatawa-tawa.

Dumating na ang inorder namin at nagsimulang kumain.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam akong mag-CR lang saglit.

Sa CR, inayos ko ang magulo kong buhok at naghilamos sa sink.

For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon