Chapter 10
Ilang beses na akong tinetext ni Calev saying he doesn't even know anything about the bet.
Gusto kong maniwala, gusto ko ring hindi.
Pero isa ako sa mga taong naniniwala lamang kung may ebidensya kang ilalapag sa harapan ko.
So hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Calev na wala siyang alam or sa sinasabi nila Knox na may alam din si Calev sa pustahan nina Benj at Miggy.
I need time to think. Just me, with myself, alone.
Maaga akong umuwi at hindi na sumabay kay Avery at Rosé sa pag-uwi. May pupuntahan pa kasi sila at ayoko munang magliwaliw.
[Calev: Please, Amara. Makinig ka naman sa akin.]
I just received another message from Calev. Nandito ako ngayon sa sala habang hinihintay namin ni Thea na umuwi si Mama.
Si Thea ay naiiwan sa Tita ko na kapitbahay namin. Binabayaran na lang siya ni Mama para hindi na kami kumuha pa ng tagapag-alagang iba.
Nagkukulay si Thea sa coloring book nya habang nagwawalis naman ako sa sala.
[To Calev: Calev, pag-isipan mo munang maigi kung gusto mo ba talaga ako or peer pressure lang from Benj and Miggy yang nararamdaman mo. Pls. Be true to your feelings, Calev. Hindi manok sa sabungan ang mga babae para pagpustahan lang ng mga lalaki. And please refrain Benj from contacting Rosé. Respect my friend, for God's sake!]
Inilapag ko na ang cellphone ko sa maliit na mesa kung saan nagkukulay si Thea ng dinrawing niyang bahay. Masaya lang siyang nagkukulay doon kaya hinayaan ko na sya sa ginagawa nya.
Pagkatapos magwalis ay humiga ako sa sofa. Feel na feel pa rin ni Thea ang pagkukulay habang nakadapa na sa sahig na may brown na carpet.
[Calev: Where are you?]
Bakit naman bigla-biglang nagtatanong 'tong taong ito kung nasaan ako?
[To Calev: Bakit?]
[Calev: Just asking.]
Akala ko naman kung ano. Akala ko pupunta sya dito eh.
Hindi ko na sya nireplayan. Pero makaraan ng ilang minutong pag-scroll ko sa Facebook ay muntik ko nang ibato ang cellphone ko sa gulat. Tumatawag si Calev sa Messenger ko.
"H-Hello?" Sabi ko nang sagutin ko ang tawag nya.
"Ate, wiwi ako." Napatingin ako kay Thea. Magka-krus ang mga binti niya na parang naiihi na talaga sya.
"Sige na may gagawin pa ako." Sabi ko sa kabilang linya at pinatay ang cellphone ko.
Kasalukuyang sinusuotan ko ng short si Thea nang marinig naming bumukas ang pinto at parang may kausap si Mama.
"Mama!" Tumakbo si Thea papunta sa sala para salubungin si Mama.
"Thea! Tuloy ka, Sir Calev." Sabi ni Mama sa kasunod niyang pumasok sa pinto.
Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil hindi ko inaasahang pumunta rito si Calev.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya nang ilapag niya ang dalawang plastic ng groceries sa mesa.
BINABASA MO ANG
For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)
RomanceStory number 1 for the Colegio Series, entitled: For The Love of Hargrove. A joint collaboration of MoonstarSolar (formerly known as SugarGoddess), Shin Chann, and unknownauthorofabcy. **** Warning Text copyright © Kiths L. Napao ™ 2020, 2021- The m...