Chapter 9
Naloka si Mama sa mga dala ni Greyson. Hindi na raw dapat namili si Grey ng mga iyon. Pero at least, hindi nagalit si Mama na mga amoy alak kami. Nabola ni Greyson eh.
Okay lang naman daw kay Greyson basta may favorite nyang hotdog para sa breakfast tomorrow.
Napag-isipan na rin namin ang gagawin para sa surprise namin kay Lucho. Aacting kaming walang nakaalala sa birthday nya. At sa lunch break namin gagawin yung surprise. Tutal two hours naman ang vacant namin.
Si Knox at si Grey ang bahalang kumuha ng cake, kami naman ni Rosé ang bibili ng party poppers sa Pandayan o kaya sa Vetaf's. Si Avery naman ang bahala kay Lucho.
At dahil single bed lang ang higaan ko at hindi ganoon kaluwag sa kwarto, hindi kami magkakasya roon. Si Knox at si Grey ang matutulog muna sa sala. Nagpaubaya na si Knox kay Greyson na siya na ang humiga sa sofa at si Knox na lang sa lapag. Habang si Avery at Rosé naman ang kasama ko sa kwarto. Si Rosé na ang pinatulog ko sa kama ko dahil sya ang pinakalasing sa amin. Kawawa naman kung sa lapag sya matutulog.
Naglatag na lang kami ni Avery ng dalawang single foam at pinagdikit namin. Nakahiga na kami at nakapaglinis na. Niyakap ko si Avery at niyakap nya rin ako pabalik. Nakahiga lang ako sa braso nya nang may pumatak na luha sa mga mata ko.
Hindi ko na napigilang umiyak. Siguro ay dala na rin ng alak na nainom ko.
"Shh..." Hinahaplos ni Avery ang buhok ko. Feeling ko eh ang komportable ng pakiramdam ko kapag niyayakap ako ni Avery. Sa aming lahat, si Avery ang pinakaclose ko at para ko na talagang kapatid. Mama nga ang tawag nya sa mama ko eh.
"Avy, paano kapag niloloko lang din pala ako ni Calev? Na pinapagpustahan lang pala nila kami?" Mahinang bulong ko sa kanya dahil baka magising si Rosé na ngayon ay natutulog na.
"Ano ba sa tingin mo? Tingin mo ba lolokohin ka ni Calev?" Napatingin ako kay Avery.
"I don't know. Hindi pa kami ganoon ka-close para ibigay ko sa kanya yung trust ko. We're not even a thing."
"You have to find out yourself, Amy, if Calev really bets on getting you or not. Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo. But make sure to bring your brain with you. Huwag kang go ng go. You have to think before you make a move."
"Avery, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo." Niyakap ko pa sya ulit nang mas mahigpit.
I really hope Calev will tell the truth once na makapag-usap kami.
Kinabukasan ay maaga kaming umalis sa bahay since uuwi pa sila sa kanya-kanya nilang bahay. Magkasabay kami ni Grey na pumasok sa school at wala pang masyadong tao sa room.
"Pre, friend pala ni Lucho si Quinn, pakisabi naman ipakilala ako." Sabi ni Joco pagpasok na pagpasok namin ni Grey.
"Quinn Austria? Yung actress?" Tanong ko naman nang mailapag ko na ang bag ko sa upuan. Ngayon ko lang din nalaman since hindi ko naman pinapakialamanan ang buhay ni Lucho kapag nagtatrabaho sya sa industriya ng showbiz. Ni hindi nga namin alam ang dahilan kung bakit dito pa sa BPSU nag-aaral si Lucho kahit pwede naman syang mag-aral sa ibang mas magagandang school sa Manila or even sa mga private schools dito eh. Kahit yung mga kaibigan ko, may mga kaya pero dito nag-aaral. Lalo na si Greyson.
"Oo, pucha! Kakaiba talaga si Lucho, kung ako yun syinota ko lahat yon sabay-sabay." Sabi ni Joco kaya binatukan sya ni Lucho na kapapasok lang ng room.
"Amara o." Binato ni Lucho ang isang box ng Reese's sa akin. Buti na lang at nasapo ko.
"Punyeta, may regalo na naman si Lucho kay Amara, sana all talaga. SANA ALLLLLLL!" sabi ng palengkerong si Joco at naupo sa upuan sa likuran ko. Palagi na lang kaming ini-issue ni Lucho. Kung alam lang nila, naku! Inirapan ko na lang sya at shinare ko naman sa kanilang mga kaklase ko iyon no. Nagtabi lang ako ng ilang piraso para kay Thea mamayang pag-uwi ko.
BINABASA MO ANG
For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)
RomanceStory number 1 for the Colegio Series, entitled: For The Love of Hargrove. A joint collaboration of MoonstarSolar (formerly known as SugarGoddess), Shin Chann, and unknownauthorofabcy. **** Warning Text copyright © Kiths L. Napao ™ 2020, 2021- The m...
