Chapter 1
Amara's POV
Never kong maiaalis sa isipan ko ang nangyari sa akin kahapon.
Hindi ako makaupo ng maayos at makapaglakad, knowing na may tagos pala ako sa uniform ko!
Eto namang mga kaibigan ko, hindi man lang nakita.
Halos ipanalangin kong bumuka na lang sana ang lupa at lamunin ako ng impyerno kaysa maglakad palapit sa table ng mga kaibigan ko kahapon.
Tapos yung lalaking taga-Letran! Jusko, ang yummy! Sana all, mabango. Amoy na amoy ko yung pabango nya kahapon eh. Lalo na nung tinali nya sa bewang ko yung varsity jacket nya.
"Gurl, may tagos ka!" Halakhak ni Rosé na akala mo naman ay hindi siya nireregla.
Nag-offer naman si Lucho na ihatid na kami isa-isa sa bahay kaya naman hindi na ako nahirapan sa pagco-commute, lalo at traffic sa Balanga.
Pagkauwi ko kahapon ay nilabhan ko agad yung jacket na 'yun at ibinabad sa isang plangganang fabric conditioner.
Nang matuyo ay inilagay ko agad sa cloth bag at inilagay sa loob ng bag ko. Mahirap na at baka magtae na naman yung ballpen ko at malagyan ng tinta yung mukhang mamahalin niyang jacket.
Ilang araw pa ng lumipas at hindi na kami bumalik doon sa Capitol Square dahil ayoko na talaga at baka may makakilala pa sa akin doon at maalala yung tagos ko.
Positive rin naman akong hindi na babalik doon yung lalaki kahapon.
Pero nagbakasakali pa rin naman ako.
Malay ba natin kung makita ko siya sa iba't ibang parte ng Bataan 'di ba? Para maibigay ko na rin itong jacket nya na halos isang linggo nang inaamag sa bag ko.
"Amara." Napapikit ako sa inis dahil kanina pa ako ginugulo nitong si Greyson--isa sa mga tropa ko na kaklase ko rin.
"Greyson Macalinao, tigilan mo muna ako, please?' iritadong puna ko sa kaniya.
"Kailangan full name talaga, Amara? Itatanong ko lang naman kung gusto mong sumali sa Put A Finger Down game. Yung matatalo, manlilibre mamaya sa Coffee Project. Kaso ayaw mo, e 'di sige, 'wag na lang." Slow-mo pa siyang kunwaring tumalikod sa akin.
Pero sino ba naman ako para tumanggi sa libre, hindi ba? Kahit alam naman na talaga namin kung sino ang matatalo, eh tuloy pa rin ang game para fair sa manlilibre na si Lucho. Panay kasing sya ang kulelat sa mga pustahan at laro. Bato, bato, pick na nga lang, natatalo pa eh.
Hinawakan ko siya sa pala-pulsuhan at sinabing sasali pala ako.
Nakaupo kami ngayon dito sa canteen sa may building ng CEA habang naghihintay ng next class namin.
"Okay!" Napapalakpak pa si Knox saka naupo sa tabi ni Avery. "Put A Finger Down, friends edition!"
"Hyper na hyper kang hayup ka ah." Komento ni Rosé.
Tumikhim si Knox at kunwari ay sumeryoso sa laro. Inayos pa kunwari ang kuwelyo ng suot na polo. "Labas nyo yung isang kamay nyo. Five fingers lang dapat ha. Ang unang maubusan ng fingers na nakataas, siya ang manlilibre sa Coffee Project."
BINABASA MO ANG
For The Love of Hargrove (ENG version was published on WN)
RomanceStory number 1 for the Colegio Series, entitled: For The Love of Hargrove. A joint collaboration of MoonstarSolar (formerly known as SugarGoddess), Shin Chann, and unknownauthorofabcy. **** Warning Text copyright © Kiths L. Napao ™ 2020, 2021- The m...