22. Impression

1.5K 80 11
                                    

22.
Impression

━━━━━━━

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Nang sunod-sunod na ang pagdaloy ng mga butil ng luha ng langit sa haliging salamin ay tumigil na ako sa pagbibilang at nangalumbaba habang tinatanaw ang dapit-hapon ng lungsod.

I just finished studying for eight hours. Dalawang oras mula ngayon ay magsisimula ulit ako para makumpleto ang target kong pag-aaral ng kalahating araw.

I had started with my review classes. It was a weekday and I originally planned to rest since the past week was hell. Pero hindi ko rin napigilan mag-aral. I had a weak foundation on Taxation so I had to make amends for that.

Bumuntong-hininga ako at ipinatong ang ulo sa mesa.

Kailan ba matatapos 'to? Ayoko na talaga. Pagod na pagod na ako.

Naubos ko naman basahin halos lahat ng libro ko sa law school. Pero ngayong binabalikan ko, karamihan ay parang bago sa akin. Tapos may mga amendment pa.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang narinig ko ang mabining pagbukas ng pinto ng unit ko. Mabilis akong umayos sa pagkakaupo at nilingon iyon.

"Have you eaten?"

Lumabi ako, bigla ay gustong umiyak. "Sigfred . . ."

Ipinatong niya ang coat sa sofa at dahan-dahang lumapit sa akin. His eyes were serious as he looked at me. I was sure he just came from work. Bukod sa stress na nakikita ko sa kanya, naka-suit pa siya at dala ang brief case niya.

Nang malapit na siya ay ibinuka ko ang mga braso.

"Magpahinga ka kasi," he murmured after I wrapped my arms around his waist. I felt him caress my back and plant a kiss on my head. "Nag-lunch ka ba?"

"I don't like amplaya," sabi ko at ibinaon ang mukha sa tiyan niya.

He chuckled softly. "You can't live just by eating meat. Lalo na ngayon. You have to take care of your health."

I groaned my annoyance. Mahina siyang tumawang muli at hinaplos ang ulo ko.

His words reminded me of a lady professor before. Iyong may clear skin. Palagi noong sinasabi sa amin na alagaan ang health namin habang nasa law school palang para hindi maistorbo sa review pagka-graduate. It was making sense to me now, somehow.

Life had been tough for me after the graduation. Thankfully, I got Sigfred. Siya iyong patuloy na nagpapalutang sa akin sa tuwing pakiramdam ko ay lulubog na ako sa mga ginagawa.

We had been together for weeks now. So far, of course, we were doing fine. Magmula nang nagsimula ang review classes ko, siya iyong madalas dito sa unit ko para asikasuhin ako. He always dropped by after his work. He also spent his free days here with me. Since I was always busy studying, I barely cleaned and cooked. He was doing all those for me. Minsan nga, halos hindi kami mag-usap. He was just there, attending to my needs. Nahihiya na nga ako dahil alam kong busy din siya at pagod tapos inaabala ko pa siya nang ganito.

I couldn't wait to take the Bar exams so I could finally be a proper girlfriend to him.

"Wala ka nang groceries dito," he said as he opened my fridge. "Let's go and buy outside."

"Ayoko."

"Come on, babe. You need some fresh air."

"Polusyon ang malalanghap ko, hindi fresh air."

The Ruthless (Quantum Meruit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon