04. Sleepy

2K 86 26
                                    

04.
Sleepy

━━━━━━━

"Ang presko ng hangin. Parang ang sarap malungkot."

Sinulyapan ko si Acaimie na nakapangalumbaba ngayon at nakatitig sa kawalan. As usual, her eyes looked bored.

I wondered if she was okay. Wala na kasi siyang nabanggit tungkol sa ex-boyfriend niya.

Nasa coffee shop kami ngayon at naggu-group study. Nasa labas kami dahil puno na sa loob. Ayos lang naman dahil hindi naman masyadong mainit. Hindi nakadalo si Ate Mira dahil busy daw kaya kami-kami lang. Okay naman, except for Bredant and Nayeli. Madalas nagka-clash ideas nila. And Nayeli, the competitive bitch that she was, kahit mali siya ay ipaglalaban niya. Mabuti na lang at mahinahon lang si Bredant.

I didn't invite Nayeli. Nagkataon lang na nakasalubong namin siya sa mall. She decided to join us, dahil iyon naman daw ang balak niya talaga rito sa mall - ang mag-aral. Medyo naging suspicious pa nga ako dahil mas gusto niyang nag-aaral mag-isa. At madalas na pangit ang timpla niya kapag kasama namin si Bredant. Pero ngayon, she seemed okay. Although, iyon nga. Nagdedebate sila ni Bredant paminsan-minsan.

"He was not held criminally liable," sagot ko sa pangungumpirma ni Nayeli sa kasong kasalukuyan naming inaaral. "But he was still asked to pay."

"Magkaiba ang quantum of evidence sa criminal case at civil case. So even if your criminal case didn't prosper, you can still be held civilly liable," dagdag ni Soshila.

It was safe to conclude that Soshila was no longer that hostile towards Nayeli although I wasn't sure. Pero may kinalaman yata iyon sa nangungunang pagsang-ayon ni Nayeli tungkol sa doctrine of qualified political agency kanina.

The discussion went on. Um-order na ako ng pangalawang kape dahil medyo inaantok na rin ako. Nahawa na yata ako sa pagiging antukin ni Acaimie.

The past weeks were hell. Ilang beses na akong muntik-muntikang mag-breakdown dahil sa dami ng mga ipinapaaral. Akala ko malala na ang First Year. Mas malala pala ang Second Year.

Gosh, I needed a break. Mababaliw na talaga ako.

Mabuti na lang talaga, my new group was a strong one. Walang kompetisyon, unlike with my other classmates especially with Nayeli. We would share reviewers and other stuff. Madalas na rin ang group study namin. Nasasanay na akong ganoon. And I must say, epektibo pala talaga ang ganito.

"It's not in the facts, genius," sarkastikong balik ni Nayeli.

They were discussing about this certain labor case. Hindi na naman yata matanggap ni Nayeli na may point ang ka-'competition' niya kaya nagmamaldita na naman.

Bredant smiled a bit. "I thought I just had to say."

Nayeli rolled her eyes and focused on her book. Bredant bit his lower lip, the corner of his mouth rose. Kumunot ang noo ko roon.

Huwag mo siyang gustuhin, Bredant. Kakompetensya ang tingin saiyo ng babaeng iyan. Hinding-hindi ka niyan magugustuhan kapag nagkataon.

It was almost six p.m. when we all decided to stop. It was productive. Maraming mas naging malinaw sa akin. Iyong mga kaso rin na halos magkakapareho ang facts, issues, at ruling, medyo na-differentiate ko na sa isa't isa.

The Ruthless (Quantum Meruit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon