05. Positive

2.1K 74 19
                                    

05.
Positive

-----

"So what you're saying is that he can't file libel against me?" nangingiting tanong sa akin ni Vivienne, pinsan ko, nang hapong iyon habang nasa hammock ako at nagse-selfie.

Palubog na ang araw at kaunting sinag na lamang ang nakakatakas sa himlayan nito. Medyo aesthetic ang kaunting init na tumatama sa mukha ko kaya ganado akong kumuha ng mga litrato.

"He can," sagot ko habang umaanggulo. "Pero, most probably, hindi magpo-prosper. Wala ka namang sinabing masama tungkol sa private life at pagkatao niya."

"But I said he's not doing his job well as a barangay captain."

"Every citizen of this country has the right to demand integrity and accountability from the elected public officials. Kung iiyak din pala sila 'pag naba-butthurt sila, why did they run for the posts? Nasa batas 'yan. As long as our complaints are with regards to their public functions, hindi sila p'wedeng umiyak at magkaso ng libel kahit kanino. E kung inaayos ba naman kasi nila ang trabaho nila."

Public office is not a playground. Once you assume office, you are under the public's scrutiny. Ang bawat galaw mo bilang opisyal ay nakaaapekto sa pinaglilingkuran mo kaya may karapatan ang mga bumoto saiyo na magreklamo kapag may nakikita silang mali.

"And he said, ipapaaresto raw niya ako."

Napatigil ako sa pag-scroll sa Gallery ko at napatingin sa kanya. "Ano?"

Que horror!

Tumawa si Vivienne. Sakto namang dumating ang iba pa naming basang-basang pinsan na galing sa dagat bago pa man ako tuluyang sumabog.

It was our third day here in La Union. So far, I was really, really enjoying it. Hindi ko pa nabuklat ni isang beses ang mga dinala kong dapat aaralin nang paunti-unti. Well, no regrets.

"Where did you get that?" excited na tanong ko kay Jasper habang pinagmamasdan ang mga banagan na dala nila.

"May dumating na mga pumalaot na mangingisda. Nakiusyuso kami."

I would never get tired of lobsters! Worth it ang isang absent kay Atty. Devil.

The past days were pure bliss! I never had this kind of fun since I entered law school. Namangka kami, nag-surf, naligo, at nag-mañanita noong birthday ni Vivienne kahapon.

I could only imagine how envious my brother was. Hindi na namin siya kasama ngayon dahil may klase na siya at hindi na raw siya puwedeng um-absent.

"Wala ka na ba talagang balak, 'Te, mag-pageant?" usisa sa akin ni Edith, another cousin of mine who was years younger than me.

Nasa kusina kami ngayon at tumutulong sa pagluluto. The boys planned to grill some meat and were setting up the place outside. Kami naman ni Edith, nag-volunteer sa paghiwa ng mga karne. Si Vivienne, kasama iyong isang pinsan namin na bibili ng mga kulang na gamit dito sa kusina.

"Wala na 'ata." Ngumiti ako at inilagay sa plato ang mga nahiwang karne. "Bakit?"

She pouted a bit. "Wala naman. Sayang lang kasi."

Isa sa mga natutunan ko ngayong matanda na ako ay ang katotohanang hindi lahat ng gustuhin mo ay matutupad. Sometimes you need to sacrifice your dream for practicality. Sometimes it's too late. And sometimes you realize it's really just not for you.

To be honest, I could still see myself representing our country in expensive gowns and burning patriotism. Mas malinaw ang pangarap na iyon.

At hanggang ngayon, hindi pa rin ako kumbinsido na ipinanganak ako para maging abogado.

The Ruthless (Quantum Meruit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon