27.
Celebrity━━━━━━━
Ang hirap talagang maging masaya sa ginagawa mo kung ipinipilit mo lang ang lahat.
“Ipunin niyo po muna ang mga dokumentong ito. Tapos po ‘pag nasa inyo na ang lahat, balik po kayo sa’kin para iakyat na po natin sa korte,” paliwanag ko sa mag-asawa kong kliyente.
“Salamat, Attorney,” usal ng ginang habang nakatitig sa papel kung saan nakalista ang mga dokumentong kailan para sa pag-ampon.
I smiled at her. She was finally adopting her step-son after struggling so hard for custody over him.
After some minutes of clarifications, the couple finally stood up and left.
This was one of the beautiful things in this profession. Iyong pagbibigay ng pag-asa sa mga taong akala ay katapusan na ng lahat at wala nang solusyon pa sa problema nila.
I unbuttoned the first three of my top and leaned on my swivel chair. Pagkatapos ay nilingon ko ang malawak na lungsod sa salaming haligi.
Live life with no regrets.
Huminga ako nang malalim at itinukod ang ulo sa sentido.
Maganda nga ang propesyong ito. It holds prestige and all. It helps people.
But I knew I didn’t belong here.
Kapag pilit mong itinatago, mas lalong umaalingasaw. Kapag pilit mong iniignora, mas lalong magpapapansin.
How I wished I was a person who was never afraid to take risks. If I were like that, I wouldn’t be a coward seeking relief from delusions. I wouldn’t have to choose this late.
I wouldn’t have to be confused.
Vivienne was right. Hindi kahabaan ang buhay para gawin ang mga bagay na hindi nakapagpapasaya saiyo. It would be a dull period of fake breaths and smiling agony.
But could I really leave this to pursue what I had really wanted since I was young?
Would I be brave enough for everything that would follow?
“Wow. This must cost a lot!” Atty. Rivero exclaimed as she examined the engagement ring on my finger. “This is really fancy!”
Ngumiti lamang ako at dahan-dahang ibinawi ang kamay mula sa kanya.
“Galante naman pala si Prosec. Calleja.” She chuckled as if she remembered something funny. “Napakahigpit ng sinturon no’n. He must be really in love with you to give you that kind of ring.”
Mahina akong natawa.
Oo nga. Kuripot ang lalaking iyon. So this ring was a surprise.
“Congrats, Willow. You tamed a beast!”
Muli ay mahina akong tumawa saka nagpaalam na.
Sinuyapan ko ang wristwatch. It was quarter to five-thirty p.m. I needed to hurry up.
Ngayong araw ay sasabihin na namin ni Sigfred sa mga magulang namin ang tungkol sa engagement. Ayoko pa sana dahil hindi pa namin napagdedesisyunan talaga ang petsa. Knowing our parents, they would want a date already. But he had been adamant to tell them now. Kaya wala rin akong nagawa kundi pagbigyan ang gusto niyang mangyari.
BINABASA MO ANG
The Ruthless (Quantum Meruit Series #1)
General FictionWillow Wynter G. Barrameda - the ruthless. * * * Willow never dreamt to be a lawyer but then she just found herself in law school and fulfilling her family's dream for her. Gusto niyang maging beauty queen. But she had to set it aside and she didn't...