07.
Define—————
"Nasa'n na kayo?" I asked a classmate of mine while on the bed wearing foot socks.
"Papunta na kami. Ikaw?"
"On the way na rin," I lied and stood up to comb my hair. "Kita-kita na lang tayo sa sala ni Judge Bustamante."
"O, sige. Dalian mo."
"Okay."
And he hung up. Agad kong binitiwan ang cell phone at binuksan ang blower. Kung bakit ba kasi uminom ako kagabi, e may court visit kami ngayon!
Malapit na ang finals at isa sa requirements sa amin ang bumisita nga sa korte. Ginrupo ako kasama ng mga lalaki kong kaklase at hindi ko inaasahan na ang ilang araw kong pagpapaalala sa sarili ay aabot sa ganito.
Puta. Dapat talaga hindi ako naki-birthday!
"Hindi ka na kakain?" tanong sa akin ni Mama habang pababa ako sa hagdan.
Kamuntikan pa akong matapilok kaya kinurot niya ako sa braso pagkalapit na pagkalapit ko. Of course, I whined about it! Pero, at least, mas nagising ako. Nawala nang kaunti ang sakit ng ulo.
"Mag-iingat ka naman," nanggigigil na aniya.
Hindi ako umimik. Bagkus ay kinuha ko ang isang toast at inipit iyon sa bibig saka nagmamadaling iniwan sila roon.
"On the way, a," nakangising bungad sa akin ni Soshila pagkarating na pagkarating ko, humahangos at pagod na pagod.
"Where . . . are . . . they?" paisa-isang banggit ko na tinutukoy ang mga kagrupo ko.
Tinuro niya ang mahabang lobby. "Pang-anim na sala mula rito. Dalian mo! I heard, may sisintensyahang anim na akusado sa sala niyo."
Nagising ang buong diwa ko. "Anong kaso?"
"RA 9165."
Tumango-tango ako at tinapik-tapik ang kanyang balikat.
Muli ay tumakbo ako. Maraming tao sa mga korte. Kabi-kabila ang mga abalang abogado papunta sa kanya-kanyang destinasyon habang binabasa sa huling pagkakataon ang mga dalang dokumento. Kapansin-pansin din ang ilang tensyonadong magkakapamilya na matatanggap na yata ng mga mahal nila sa buhay ang hatol mula sa huwes. May isang umiiyak dahilan para bumagal nang kaunti ang pagtakbo ko.
Hindi talaga ako magki-criminal lawyer. Bagama't parte lang ng sinumpaang tungkulin, hindi ko kayang isipin na pinalaya ko ang isang criminal; na dahil sa akin, hindi nakamit ang nararapat na hustisya ng mga biktima.
Nakita ko ang ilang kaklase ko na nasa kanya-kanya nang sala. Iyong iba ay napansin ako at kumaway sa akin.
"Ay, shit! Sorry!"
Dali-dali akong yumuko para pulutin ang nagkalat na mga papel sa sahig matapos may makabanggaan. Damn! Why was I so reckless?
"Ito na po. Sorry po—"
You have got to be kidding me.
Atty. Calleja looked at me and heaved a sigh. He didn't look suprise at all. Parang alam na niya kung sino ako bago ko pa man siya nilingon.
Ah, shit. Naalala ko na naman iyong 'popcorn incident'. I was so embarrassed that I didn't move a muscle after recovering my hand from his food. He found it hilarious. Kaya tinukso niya pa akong gumalaw naman daw. Ayoko na talaga iyong maalala.
Bakit ba lagi na lang akong napapahiya sa kanya?
"Miss Barrameda," pagkilala niya sa akin.
And his clothes! He spilled his coffee on his white button-down and navy blue coat!
BINABASA MO ANG
The Ruthless (Quantum Meruit Series #1)
General FictionWillow Wynter G. Barrameda - the ruthless. * * * Willow never dreamt to be a lawyer but then she just found herself in law school and fulfilling her family's dream for her. Gusto niyang maging beauty queen. But she had to set it aside and she didn't...