01.
Sly-----
"Will, kinakabahan talaga 'ko."
After several attempts, nabuksan ko rin ang kanina ko pang nginangatngat na baltik. Thank God!
"Chill ka lang. Ako nga chill lang, e," sabi ko saka nagpatihulog sa kama.
Nayeli just gave me her infamous taas-kilay. Mas lalo siyang nagmukhang maldita roon. No wonder. Ilag talaga sa kanya ang karamihan sa klase. At dahil mabait ako, siyempre friend ko siya.
Nasa probinsya siya ngayon sa Visayas kaya video call lang kami. Ngayong gabi ay malalaman na namin kung makakadiretso kami sa Second Year. Ire-release daw ngayon ang grades kaya, being a competitive bitch she had always been, hindi na raw siya mapakali at tumawag na sa akin. Sabay daw kaming kabahan.
"Papasa ka nga," pang-e-encourage ko sa kanya nang mas lumukot ang mukha niya para sa kaba. "You did good naman, a. Hindi ba matataas midterm grade mo?"
"Iba ang finals," yamot niyang giit. "Do you think Bredant . . ."
Here we go again. "Ang toxic mo talaga, 'lam mo 'yon?"
She hissed and grimaced.
Bukod kasi sa napaka-grade conscious niya, sobrang tsismosa niya rin pagdating kay Bredant, kaklase namin. Dati, akala ko crush niya kaya kuryuso siya sa tao. Iyon pala . . .
"Nakapasa kaya tayong lahat?" marahang tanong niya mayamaya.
"Hindi ko alam. Pero sabi nga nila, in law school, expect the worst. Kung dati honor student ka, dito, baka kulelat ka."
"E, ikaw? Sa tingin mo, pasado ka?"
I huffed and threw a kornik in the air then expertly caught it with my mouth. "Hindi ko alam."
"Ang pangit kaya no'ng midterms mo lalo na sa Obligations and Contracts. At sa Criminal Law-"
"Oo na, ako na ang bobo," putol ko sa kanya sabay irap.
"Hindi ka naman bobo. Mas inuuna mo kasi ang landi kaysa sa readings mo."
I hissed. Kaysa naman sa kanya na subsob sa pag-aaral at hindi pa rin makuntento sa grades niya.
Nagtagal pa ang kuwentuhan namin nang bigla na lang siyang nagdesisyong ayaw niya na akong kausap dahil paubos na raw ang data subscription niya. Ire-reserve niya raw ang natira sa pagtingin mamaya ng mga grado namin kaya i-text ko raw siya kung na-upload na nga online. Pumayag ako at nag-browse na muna sa social media.
It was almost eight in the evening and I had been waiting for two hours now. Ang sabi nga nila, by six daw ay makikita na namin ang grades. Ewan kung ano na namang meron at na-delay. Hindi na rin naman ako nagtaka dahil madalas naman itong mangyari.
Ipinagdikit ko nang mariin ang mga labi habang binabasa ang sunod-sunod na chat ng mga kaklase namin. Kabado rin daw sila at iyong iba ay nagsasabing parang masusuka na sila.
I was nervous, too. Very, very nervous. Hindi ako confident sa mga sagot ko noong finals. Marami akong bokyang recitation. Iyong iba sa midterms ko, pasang-awa.
Kulit na kulit na siguro ang Diyos sa akin dahil halos oras-oras akong nagdadasal sa Kanya na ipasa Niya ako.
Paalis na sana ako sa group chat nang biglang nag-chat ang isa sa mga kaklase namin sa malalaking titik na may grades na raw. Dali-dali kong hinablot ang cell phone ko para i-text si Nayeli.
Kinagat ko ang hintuturo ko.
Pumasa kaya ako?
I tried to reach for the mouse. Pero agad din akong bumawi. Nabibingi na ako sa tambol ng puso ko sa sobra-sobrang kaba.
BINABASA MO ANG
The Ruthless (Quantum Meruit Series #1)
General FictionWillow Wynter G. Barrameda - the ruthless. * * * Willow never dreamt to be a lawyer but then she just found herself in law school and fulfilling her family's dream for her. Gusto niyang maging beauty queen. But she had to set it aside and she didn't...