30.
Mayhem━━━━━━━
Dahan-dahan kong inangat ang talukap ng mga mata. Bumungad sa akin ang maliwanag na kuwarto. Pumikit akong muli, nasisilaw at nananakit ang paningin. Lumipas ang ilang segundo ay nagmulat akong muli at doon ay naging malinaw na ang lahat.
Ipinatong ko ang braso sa mga mata kasabay ng masakit at sunod-sunod na pitik sa ulo ko. Sinasabi ko na nga ba, naparami na naman ako ng inom kagabi. Malilintikan na naman ako nito.
Kinapa ko ang cell phone sa kalapit na mesa at pinaningkitan ang screen noon. Mag-aalas onse na pala. I groaned as I remembered the things I needed to attend to later.
I should have extended my vacation.
Halos pikit ang mga matang umalis ako sa kama habang hawak-hawak ang ulo. My head was about to burst! Tawagan ko kaya si Trinity at sabihing hindi ako makakapag-shoot mamaya? Oh, right. I did the same thing last time. Hindi na ako noon pagbibigyan. Mabibigwasan na ako noon.
But my head . . .
"Good morning, Miss Universe."
Ibinaling ko ang tingin sa kusina. Naroon si Vivienne, ngiting-ngiti habang busy sa kutsilyo at gulay. She was shining so bright that my eyes hurt even more.
Ngumuso ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. "Kanina ka pa gising? Ang sakit ng ulo ko."
She hummed. "Paanong 'di sasakit 'yan, e nakailang bote ka kagabi."
Bumuga ako ng hangin at binalingan ang pinagkakaabalahan niya. "What are you cooking? Gutom na gutom ako."
"Nilagang baboy. Can you cut the cabbage for me? Help me so we can eat in time."
Humikab ako at kinuha ang isang kutsilyo malapit sa kanya. "Anong oras ka nagising?"
"I was up by eight a.m." She paused and looked at me intently. "You have become an alcoholic. Are you sure you're not ill or having any problems?"
"Oh, come on," madrama kong saad. "Don't be like Trinity. I don't have a drinking problem. Calm down."
Hindi niya iyon agad binitiwan. I was so annoyed that I almost threw the whole cabbage on her face. Kung hindi lang tumawag iyong hinayupak niyang boyfriend, machine gun pa rin sana ang bunganga niya.
Drinking problem, my ass. Why were they keep on insisting I had that? Hindi naman ako araw-araw lasing. At kung araw-araw man, hindi naman marami ang iniinom ko.
"Ano at pangiti-ngiti ka? Bati na naman kayo?" tanong ko nang bumalik na siya at kagat-kagat ang ibabang labi para sa nahihiyang ngiti.
"Atribida ka talaga."
I expelled an annoyed breath and shook my head. "That kind of relationship isn't healthy anymore, Viv. Hindi lahat ng dumarating sa relasyon ay pagsubok sa katatagan niyo. Minsan, signos na para maghiwalay."
"You should really get a boyfriend again. You're so bitter."
Tumawa ako nang mahina. "Who needs a man when I got everything I need?"
BINABASA MO ANG
The Ruthless (Quantum Meruit Series #1)
General FictionWillow Wynter G. Barrameda - the ruthless. * * * Willow never dreamt to be a lawyer but then she just found herself in law school and fulfilling her family's dream for her. Gusto niyang maging beauty queen. But she had to set it aside and she didn't...