29. Habambuhay

1.2K 68 14
                                    

29.
Habambuhay

━━━━━━━

I had always known that I needed to choose. But I didn’t expect it to be sooner than I thought.

He didn’t understand nor he compromised. There were only two options. No gray areas.

Ipinikit ko ang mata at nagpatihulog sa kama.

Kung pipiliin ko ang beauty pageant, hindi matutuloy ang kasal. We would fall apart. He was willing to break my heart if I would choose my dream.

Kung pipiliin kong ignorahin ang pangarap ko, ikakasal kami. At maaaring habambuhay ko na lamang panonoorin sa imahinasyon ang mga katuparan ng kagustuhan ko.

Ipinatong ko ang braso sa mga mata at tahimik na pinalandas ang mga luha.

Ang hirap. Ayokong mamili. Parehong importante sa akin. My dream was important to me and I loved him truly.

He had given me no other choice. Ganoon niya kinamumuhian ang pangarap ko na sinupil ko nang ilang taon. Hindi ko alam na mas may ikadidismaya pa ako sa kanya.

Hindi ko rin na-enjoy ang dapat sana ay pagre-relax ko. Kinaumagahan, maaga akong umalis. Sigfred didn’t stay at my cottage. He left immediately after he said what he had to. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. At ayoko na ring alamin pa.

Kung naging matapang lang din sana ako noon para sa pangarap ko, kung naging suwail lang akong anak, hindi sana magkakaganito. Hindi ko sana kailangang mamili.

Libre lang mangarap? What a lie.

It will always cost a thing or two.

“Will?”

I weakly smiled at Acaimie and gently pushed her aside. “What did you eat for lunch? I’m hungry.”

Hinubad ko ang jacket ko at ipinatong sa sofa niya. I groaned and sat. Ang aga-aga, pagod na pagod na ako.

Matapos isara ni Acaimie ang pinto ay bumaling siya sa akin, nagtatanong ang mga mata.

Sinuyod ko siya ng tingin. She looked so domesticated today, unlike before. Her hair was sloppily made into a bun. Malaki ang tila lumang-lumang t-shirt na suot niya. Her denim shorts looked like stressed threads tried to be made.

Pilit lamang akong ngumiti. It was nice seeing a familiar face again.

“Meron sa kusina.” Umupo siya sa kanyang study area. “Adobong sitaw. Initin mo na lang kung gusto mo.”

“Okay. Ubusin ko na, a.”

Tumango lang siya at binalingang muli ang inaaral.

Acaimie continued her schooling this year. Fortunately, our law school accepted her again. Kaya ngayon ay busy na naman siya sa pag-aaral.

She went through a lot so seeing her this normal again made me happy. I couldn’t wait for her to be a lawyer like us. I always knew she would be and make a good one.

“Ano? Nakapagdesisyon ka na ba?” bungad ni Acaimie nang bumalik ako sa sala dala-dala ang isang plato.

“Yeah,” mahina kong sagot at nilantakan ang kinakain. “Anong inaaral mo?”

The Ruthless (Quantum Meruit Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon