26.
Potential━━━━━━━
"I have a bigamy case. Nagpakasal nang 'di pina-declare na patay na asawa. E bumalik 'yong lalaki. Tapos ngayon, nag-aaway-away 'yong mga anak sa mana."
"Hay, Diyos ko. 'Yong sa'kin, rape with homicide."
"May nagsabi sa'kin na nag-apply for commission si Nayeli for notary public. Totoo ba?"
I silently sipped my cucumber juice as I stared at the table, nothing in particular. Paunti-unti akong nabingi sa masayang kuwentuhan ng mga kaibigan ko na lahat ay kinukuryente pa ng kasabikang iniwan ng pagpasa namin sa Bar exams at pinag-igting ng bagong mundong ginagalawan namin ngayon.
It had been months since we became lawyers. I stayed with the law firm and had been handling cases of my own. I was focused on special proceedings, . Madalas kong kliyente iyong mga nagpapapalit ng apelyido, nagpapahati ng estate, at gustong mag-ampon. Ang sabi sa amin ng professor namin dati, malaki ang kitaan dito at hindi delikado kumpara sa pag-handle ng mga criminal case. She was right. I was earning suprisingly fine considering I was new.
"Ito si Willow, bigtime na talaga 'to."
Nalilitong ibinalik ko ang atensyon sa mga kasama. Ngiting-ngiti sa akin si Ate Mira habang kuryusong-kuryuso ang tingin ni Bredant.
"Anong 'bigtime'? Hindi, a."
"I know you're earning fine. Tapos going steady pa kayo ni Prosec. Calleja. You're so blessed. You must be happy."
I just hissed as I tried to hide a smile.
Ate Mira was now a PAO lawyer. Si Bredant naman ay nagtatrabaho sa malaki at kilalang law firm. Of course, he topped the Bar exams. Tandang-tanda ko pa kung paano siya magreklamo sa amin kung anong pipiliin niya sa naglalakihang law firms na nag-o-offer ng trabaho sa kanya. At sa mga naririnig namin, balak ngang mag-notary public ni Nayeli.
"These food and drinks should be on you," Brendant teased in half-truth.
"Oo na, oo na," pagsuko ko.
Mga abusado at abusada talaga.
Kapag nagkikita-kita kami, ito talaga ang madalas na eksena. They would rant about their works and all. Kung paano lamunin ng trabaho ang buhay nila o kung gaano pala talaga kahirap ang practice kaysa sa law school. Kung paanong hindi nga talaga dapat tanggihan ang mga akusado ng kanilang mga karapatan.
Nakakainggit.
"Birthday niya ngayon, 'di ba?" Ate Mira asked as she eyed me intently.
Tumango ako at ipinatong sa mesa ang juice.
"He's in his late thirties na, 'no? Ang tanda na rin pala ni Prosec," nakapangalumbabang komento ni Bredant. "Kumusta kayong dalawa?"
"We're fine."
"Matagal na rin pala kayo, 'no? Wala pa ba kayong balak magpakasal?"
Utang na loob, Bredant.
Bakit ba lahat atat na atat na magpakasal kami? We were still enjoying this relationship as it was. Kung gusto na naming i-next level, gagawin din namin kung kailan tingin namin ay puwede na.
"E ikaw?" baling ko sa kanya. "Hanggang palipad-hangin ka na lang ba ro'n sa nurse, ha?"
Bredant obviously wasn't expecting my retort that he found solace in silence. Tawang-tawa roon si Ate Mira at sinimulan siyang tuksuhin.
Akala niya, a.
Nagpatuloy ang pag-uusap at mas uminit lang ang puwetan ko sa kinauupuan. Paminsan-minsan nila akong isinasama pero wala talaga ako sa mood magsalita hanggang sa hinayaan na nga lang din nila ako.
BINABASA MO ANG
The Ruthless (Quantum Meruit Series #1)
General FictionWillow Wynter G. Barrameda - the ruthless. * * * Willow never dreamt to be a lawyer but then she just found herself in law school and fulfilling her family's dream for her. Gusto niyang maging beauty queen. But she had to set it aside and she didn't...