Marami ring good news na dumating sa buhay ko, and gusto ko lang isa isahin kasi why not count the blessings di ba?
So una, nakarecover na ako and nahuli na yung dalawa kong ex na nanakit sa akin. Next naman is nahanap kami ng tita at tito namin ng ate ko na taga Germany and napag isipang i-adopt kami and yes, nahanap na ang ate ko. Nakahanap din ako ng part time job para mabayaran ko na mga utang ko kay Margaux... saka kay Myles.
It's been a year eversince nagpart ways kami. Di nga ako makapaniwalang namimiss ko parin siya. Sa loob ng isang taon, di ko man lang siya nakita. Nagbago kaya mukha niya? May bago na ba siya?
Nandito ako ngayon sa modeling agency kung saan kami nag collab ni Seth na maging mag partner sa project magazine about women empowerment. Apparently, halos sikat na ako sa industry ng modeling pero wala man lang nag reach out na Seff Myles.
Lagi ko kasama kambal niya pero never talaga kami nagtagpo. I guess oras na para kalimutan ko na nararamdaman ko para sa kanya. After all bakla naman siya and I just forced myself into him.
"Ate, are you free? Gusto ko magdate tayo." Ang saya lang na kasama ko na ate ko, si Jermainne Lorica. Nagparehab siya for a few months then she is finally okay.
Nahanap siya sa isang eskinita nanlilimos. She told us na naging stripper siya for 5 months pero balak siya patayin ng last customer niya kaya tumakas siya.
"Sis! hello. Tara?" Sabi niya habang nakahiga nag pophone.
I sat beside her and I saw something that made me stand up again.
"Ate.. bakit mo sinostalk yan?"
"Rica, he is my ex. Gusto ko siya makita. We had unfinished business kasi."
Hindi ako makasalita.
Seff's POV
"Tuwad na Tuazon."
Lagi nalang ganito yung simula ng tutoring session namin. Oo second year na ako pero di niya ako tinantanan e.
"Sir can we start with why you're really here? I'm paying you fair and square."
He got real mad sa sinabi ko. Here we go again.
Margaux' POV
Its been a year. Ang lungkot.
I am currently staying here in Singapore. Nag homeschool muna ako dahil di ko maprocess lahat ng ganap sa Pilipinas. By the way, personal yun and hindi related kina Seff.
"Beshie, kumusta ka? Are you functioning pa ba?"
Tong si beshie sira ulo talaga kahit kailan. Kahit na malalim na problema ko pinapatawa niya pa rin ako.
"Alam mo sa ginagawa at sinasabi mo mas lalo akong nadedepress eh. Bye na nga."
"Huy joke lang e. Can I visit you pala? I already have a ticket so you can't say no. Bukas ang alis ko since weekend na ulit. See ya!"
Bigla niya nalang binaba. Nagpaalam pa e di nalang ako sinurprise.
I tried reaching out for Jericah pero ayoko muna siyang istorbohin. We were in a fight before I left and kasalanan ko yun. Binuhos ko sa kanya yung galit na nafeel ko sa problema ko kaya ayun di kami makapag usap ngayon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.