Jericah's POV
Umaga na. Di muna ako papasok dahil nagpapagaling pa ako. Ayaw kong makita ng mga kaklase ko tong bugbog sarado kong mukha dahil ma-issue sila. Choss.
Tae, kinikilig parin ako sa ginawa ni Myles. Umaasa tuloy ako lalo, kasi nagrespond siya sa kiss ko and okay lang sa kanya na tabi kami matulog. Kung pwede lang, araw araw kami ganito, kaso di naman kami mag jowa o mag asawa.
Pagkabangon ko ay napansin kong nasa sahig na si Myles. Omg, anong nangyari?! Pansin ko rin na nasa dulo na ako ng kama kung saan dapat siya nakahiga. Kasalanan ko pala shet.
"Myles, gising papasok ka pa!" Nagulat siya at bumangon agad then napaupo sa kama.
"Hehe, good morning sa napakagwapo kong crush." bati ko sa kanya. Bagay pala sa kanya yung messy hair. Nakakakilig lalo tuloy ako nafo-fall sa kanya!
"Morning. Di muna ako papasok ngayon. May pupuntahan ako eh." Kinuha niya ang phone niya at lumabas na ng kwarto.
Inayos ko muna yung kama then bumaba na rin ako para magluto ng almusal namin. Bayad ko na to sa pagpapatira at pagcomfort niya sa akin. Napakaboyfriend and asawa material niya kasi. Hay, love.
Seff's POV
Bumaba na ako at tinawagan ko si Margaux. Damayan niya akong mag absent dahil kailangan ko siya sa mission na gagawin ko and I don't know why I'm doing this. Naaawa kasi talaga ako kay Jericah.
"Besh?" Sabi ko pagkarinig ko ng pag yawn niya. Kagigising niya lang din?
"Besh, aga aga ginigising mo ako. Teka, di ka ba papasok? Late na ah."
"Wala ako balak ngayon. Kailangan kita ngayon dahil may gagawin tayo for Jericah." Gusto ko lang talaga siya tulungan.
"What is it? Rerevenge ka nanaman? Hay nako Seff Myles."
Seriously, yun parin ang iniisip niyang gagawin ko eh kasama ko nga siya sa balak ko gawin.
"Sira ulo. Kekwento ko sayo mamaya. Pero for now, mag ayos kana. Meet tayo sa house bar." Aga aga nag babar lol.
"Gegege ingat. Teka, pano si Jericah? Iiwan mo lang dyan sa condo mo?"
"Pwede? Pero i-lolock up ko siya dito para sure na. Masama ba yon?"
"Pwede na haha. Sige I'll hang up."
Pagkababa ng call ay pumunta na ako ng kusina. Nakita ko si Jericah naghahain ng pagkain. Magaling pala siya magluto. So di ko na kailangang magpakahirap na magpadeliver ng food.
"Kain na Myles!" Ang sigla niya parin. Para bang walang nangyari kagabi. Parang wala siya napanaginipan.
Shet, naalala ko si papa prof!
"Wait lang Jericah!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kwarto ko.
Pagkapasok ko ay wala na siya. Pero may note sa kama.
"I can't wake you up kanina dahil naka lock ang pinto sa guest room. I thought makakatabi kitang matulog damn it. Umalis na ako dahil nga may klase pa ako. Pumasok ka na ok lang kahit late ka. I'll help you catch up in one condition."
Goodness gracious, oo nga pala. Pumunta siya dito na lasing and akala niya na magtatabi kami matulog. Gosh, ayaw ko pang may mangyaring kababalaghan sa amin! Lalo na at nandito si Jericah.
Wait, pake ko ba don? I'm here for her as a friend so wala naman na siya sa usapan pagdating sa desires ko.
Bumaba na ako and nadatnan ko si Jericah na naka apron at inaayos ang mga plato, baso and all.
BINABASA MO ANG
Tutorial: Love me (On going & unedited)
Teen FictionA gay in love with his tutor, but then was ruined and became miserable until a girl changed his perspective about his true identity and love.