Chapter 9

13 0 0
                                    

Lorainne's POV

Kasalanan ko kung bakit magkakaaway kaming tatlo ngayon. Kahit si Jericah, parang naiinis sa akin so susuyuin ko muna siya bago si Seff.

Alam kong umuwi muna yun sa apartment na tinitirhan niya. Also, kailangan ko siya bantayan dahil baka sugurin nanaman siya ng dalawa niyang ex na pangit.

Di ko naman talaga sinasadyang ipagkalat na ganon ang turingan ni Seff at Jericah sa isa't isa. Kahit ako, inaassume na baka si Jericah ang makakapagbago kay Seff. The way he acts kasi everytime kasama niya si Jericah, kusa siyang nagiging lalaki. Mas bagay nga sa kanya na lalaki siya eh jusko. Linikha siya na lalaki so dapat lalaki talaga siya hindi bakla. Pero bubay niya yun so I respect it.

Nasa harapan na ako ng apartment ni Jericah. I knocked and walang sumasagot. Pero hindi nakalock yung pinto so I just came in.

I saw her sleeping at her room. Potek, kaya siya napapasukan ng mga ex niya eh, kasi nakabukas lang pinto niya.

Lumabas ako ng kwarto niya para pagmasdan ang iba pang rooms sa apartment. Wala siyang tv, lamesa, o ref. Upuan lang na kahoy saka cabinets.

Kahit yung kama niya, gudson lang. Tapos wala pa siya electric fan or aircon. Yung rinegalo kong portable fan lang ang gamit niya. Naaawa ako sa kanya. Letse kasing Seff yon, siya pa ang inaway imbis na ako kasi it's my fault naman kaya kumalat yun.

Napansin kong parang naiiyak si Jericah. I can hear her talking while sleeping at parang naiiyak na siya. Gosh, sa pagkakaalam ko, ganito rin siya doon sa condo ni Seff.

"Ate... Si Myles... Di niya ako mahal... Suko na ba ako..." Yung ate niya ulit..

I replied to her. Mukha mang tanga pero it's alright. "Mahal ka niya Jericah. Tinatanggi niya lang yon. Promise."

Totoo naman eh, nahahalata ko na siya. Duh, wag niya ako sasabihang mali ako ng akala. He was my bestfriend simula nung umapak kami sa highschool. At kilalang kilala ko na siya.

Napansin kong ngumiti si Jericah and there's tears falling from her closed eyes. Tae kahit ako naiiyak. "Talaga.... Sana ganon... Pero..." Humagulgol siya.

Nagpapanic ako. Pawis na pawis pa siya. Buti nalang di halata sa itsura niya ang pagiging poor. Ako kasi ang sumagot sa lahat ng needs niya concerning sa school. Pero di ko alam na ganito na ang kalagayan niya sa apartment niya.

Agad ko siyang ginising. Di ako mahilig mang gising ng tao pero kung binabangungot I should wake them up asap.

"Margaux...." Bigla niya akong yinakap. I hugged her tight habang hinahaplos ang likuran niya.

"Shh, it's fine. Let it out." Humahagulgol parin siya to the point na sumisigaw na rin siya. Di ko na naiwasang umiyak.

"Uy, Jericah..." Ayan pati ako humahagulgol na.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Okay na siya ng onti after ng ilang minuto.

"Margaux... Salamat pumunta ka dito..."

Kumuha ako ng tissue sa bag ko at ng panyo. Pinunasan ko ang pawis niya saka luha.

"Ano ka ba, knowing na tayong tatlo ay di okay, hahayaan ko lang na ganito tayo? Kasalanan ko naman to eh so I should fix it. Sorry talaga Jericah." Nginitian niya ako. I'm blessed to have her as my bestfriend. Madali siyang makasundo, caring, palagi inuuna ang iba bago ang sarili. I really want to help her dahil nakikita ko ang paghihirap niya. And she don't deserve this.

"Okay lang yun Margaux. Nangyari na eh, ang problema lang, si Myles kaya ayos na?" Kita mo, si besh parin nasa isip niya. Mahal niya na talaga si Seff.

Tutorial: Love me (On going & unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon