Jericah's POV
Kagigising ko lang at di ko na halos maalala ang mga nangyari.
Pagmulat ng mata ko di ko alam kung si Myles ba to o si Myke.
"Sino ka?" Tinapik ko pa yung ulo ang sarap kasi ng tulog. Dami kaagad nangyari pero isa lang naaalala ko, yung pagiging masama ni Myles sa akin.
"Hey, you're awake! I'll call the nurse wait lang."
*After 5 days*
Grabe, di ko man lang nakita si Myles na dumalaw dito. Pwede na rin daw ako umuwi kaya inantay ko muna si Margaux para sunduin ako.
Sa buong 5 days ko dito, si Myke at Margaux lang yung nag alaga sa akin saka bumisita. Walang Myles na lumitaw. Pero kahit ganon, mahal ko pa rin siya di ko alam bakit hays ; - ;
Seff's POV
Simula nung naging stable na ang condition ni Jericah, I started to just forget her. Oo tutulungan ko pa rin si Margaux pagdating sa needs niya pero I guess my twin can handle that kaya baka di ko na rin tulungan para tuluyan na akong mawala sa buhay niya.
I feel so guilty sa nagawa ko sa kanya. I took her virginity and parang pinaasa ko pa siya by that, tapos ako pa nagpahamak sa kanya . Nasapak siya ng tutor slash prof ko, napahamak dahil sa dalawa niyang ex, and now she is suffering too much. I feel like I'm a really bad person. Di naman ako ganito eh, mabait kaya ako. Kaso wala eh di ko na rin alam nangyayari sa akin because I feel comfortable and at the same time uncomfortable when she's around. Nakakalito. I can't say na gusto ko siya, at the same time di ko rin masabing hate ko siya.
*After 8 months*
Sa wakas, tapos na rin yung 1st year college.
Nandito kami ni Margaux at ng tito at tita niya sa isang mamahaling Chinese restaurant. Tahimik lang kaming kumakain tapos biglang nagsalita si tita.
"Lorraine, bakit di niyo kasama yung isang babae na may nawawalang ate? Balita ko, nahanap na ata yung ate niya. Any updates kay Jericah?"
Bigla ako napatigil sa pagkain. I remember her again. Oo same kami ng university pero we never met in the campus. Dati, dadaan pa yan sa department namin para lang silayan ako but for almost 7 months, wala na.
"Really tita?! omg kailangan ko na pala umalis. I have to go to Jericah. Sama ka Seff?"
It has been months pero di ko pa rin siya makalimutan. Lagi ako nagtitiis at nagpipigil na sumama kay Margaux tuwing bibisitahin niya si Jericah.
"Of course, no." Maiksi kong sagot.
"Hmm, ok. Hatid mo nalang sina tita ah." Tumango ako and nag beso na siya sa tito at tita niya.
Lorraine's POV
Sa totoo lang, nalulungkot ako kasi they have to cut ties pa para sa safety ni Jericah.
In just 8 months, after mawala ni Seff sa life niya, dumami naman yung mga surprising events sa life niya.
She is now adopted by her uncle and aunt na nanggaling Germany. Matagal na panahon na pero late nila nabalitaang patay na parents ni Jericah at nawawala ate niya dahil nawalan sila ng communication sa parents nila pero ngayon natrace na raw location ng ate niya kaya I have to tell it.
Kasama niya na rin madalas yung kambal ni Seff and she is now a part time model sa agency na pinapasukan din ni Seth. Lalo rin sila naging close and wala ako update sa relationship na meron sila.
Nagtext ako kay Jericah and she told me na nasa isang resto rin sila sa mall kung saan kami nina Seff. Ang weird lang, we are in the same small place pero they never meet. Sa campus, yung SHS department na ang pinakamalapit sa Engineering department pero we never meet. Tuwing balak namin magdate ni Jericah eh kailangan pa namin magtext o call tapos magkikita sa mall mismo. Yung condo na pinagrentahan namin ni Seff for her and me ay binenta na namin.
In a span of 8 months, my ship just sunk. Oo, I support and ship them as in kasi ramdam kong posibleng magustuhan nila isa't isa pero Seff just kept on denying it kaya ayun rinespeto ko nalang gusto nila kaya nag cut ties sila.
FLASHBACK:
Nasa house bar kami ni Seff. Sabado eh kaya naisipan naming magbar dahil bored kami.
Nakakadalawang bote na ako tapos si Seff wala pa rin nag cocktail lang yung gaga. "Hoy bat yan lang ininom mo? Ang korni mo talaga eh."
"Gaga ka kasi besh, I told you milktea nalang tayo eh ayaw mo so ito nalang akin." Bumalik lang yung pagiging bakla niya and naging girly siya lalo. He started making his hair long. Ang bilis nga humaba ng buhok niya eh. Mas babae na siya tignan kesa sa akin.
"Miss ko na siya besh..." Biglaan ata yung pagsabi niya non. Paano kasi, mag iisang buwan na hindi nagpapakita si Jericah sa amin. Wala siya paramdam maski sa akin. Basta after ko siya ihatid sa condo, pagbalik ko, wala na lahat pati gamit niya. Nagtatampo ako sa babaeng yon dahil kahit text o call wala ako matanggap. Di rin siya sumasagot sa mga messages ko.
"Sino miss mo? Yung prof mong ungas?" Bigla nalang siya di umimik.
"Kilala mo kung sino tinutukoy ko, Margaux. Umorder ka pa nga ng isang bucket ng beer."
Yung kinikilos talaga ng bestfriend kong to sobrang kakaiba. Pag nasa school kami, energetic naman siya pero halatang may hinahanap din palagi. Maybe he's missing Jericah.
Medyo lasing na kami pero mas mabilis uminom tong si beshy. Nasa katinuan pa ako pero siya hindi na.
"Beshie moreeeeeeeeeeeeeee!!" Ewan ko ba sa baklang to, kanina lang parang naghahanap siya ng lalandiin tapos nung nalasing inom nalang nang inom.
BINABASA MO ANG
Tutorial: Love me (On going & unedited)
Teen FictionA gay in love with his tutor, but then was ruined and became miserable until a girl changed his perspective about his true identity and love.