Chapter 3

11 1 0
                                    

Seff's POV

Dismissal na sa wakas. Di ko ramdam yung iba naming subject dahil math lang nasa isip ko. Or yung prof namin sa math?

"Besh, tara sa condo mo gawin natin tong letseng handouts." Ay, di ko pala nasabi kay Margaux na mag tututor ako.

"Margaux, may tutor ako ngayon. Well, araw araw. So sa weekends ka nalang dumalo sa condo hehe."

Literal na napanganga siya sa sinabi ko. Ang laki pa ng mata sarap dukutin megesh.

"Dafuck Seff Myles?! Aware ka bang college na tayo?! Tapos, may pa-tutor tutor ka pa?!" Jusko namang babae to, oo alam kong college kami pero di ako makatanggi kay papa tutor prof eh.

"Sira ulo ka Lorainne Margaux. Oo, college tayo alam ko. Pero, si prof Lance na mismo yung nagsabi na i-tututor niya ako." Sakto naman, nadatnan ko na si papa tutor prof.

"Ay good afternoon po sir." Bati ni besh na malaki eyeballs.

"Good afternoon to you. Mr., Shall we?"

Shall we? Shall we ano? Make love? Ay charot tutor ko pala.

"Dito po sir." Mas napanganga naman si Margaux sa kinikilos ko. Feeling ko nahahalata niya nang may gusto ako sa prof namin. I waved goodbye to my precious besh and nagmaneho na ako.

"Marunong ka magdrive pero bobo ka sa math."

Walanghiya tong batak daddy na to ah. Siya nga, wala atang kotse eh.

Nakarating na kami sa condo ko. Pansin kong di nakalock ang pinto. May magnanakaw ba?! Ako at si Margaux lang naman ang nakakaalam ng passcode ko. Saka yung card ko, nawawala rin!

"Sir, dyan ka lang ah. May sisilipin lang ako napasukan yata ako eh."

"Kadiri ka, Mr. Myles."

Huh? Anong kadiri?.... Ah, dumi ng utak neto. Pasalamat siya papi siya kundi sinunggaban ko na to.

Pagpasok ko ay may naaamoy akong mabango. Nanay ko ba to? Nagbalak magbake? She can't see my tutor! Omg.

"Magandang hapon Myles!!!"

Literal akong napanganga at nabitawan ko ang libro ko. Taenang, pano to nakapasok sa condo ko!?

"What the fuck are you doing here Jericah?! Tresspassing ka! I'll call the guards."

Bigla niya akong yinakap at parang naiiyak pa siya. Sumisinghot singhot eh. Ito nanaman yung pusong tumitibok sa maling tao.

"Crushie no!! Let me be please? Hiningi ko yung passcode mo kay Margaux tapos yung card mo kinuha ko na rin sa kanya. Siya ang pagalitan mo wag ako huhu crushieee!"

Tangina. Patay sa akin yung Margaux na yon. "Bakit mo hiningi."

"Gusto kitang tulungan sa studies mo e... I can be your tutor... Magbebake pa ako for you, kung gusto mo gawin mo pa akong katulong eh just please let me express what I feel towards you Myles.."

Damn this lady. Masyadong sincere. Sabihin ko na kaya na bakla ako? Kaso di halata eh. Kapag nakikita ko tong babaeng to, nawawala pagka bakla ko. Sumpa ba siya?

"Not now, Jericah. May bisita ako and tutor ko yon. Kung gusto mo, sa weekends ka na bumisita dito. And alam mo na ang passcode ko so please wag abusado?"

Tangina, pagkakalas niya sa pagkakayakap sa akin, umiiyak pala to. Anong meron sa kanya masyadong maarte. Pero bakit nagrereact nanaman tong puso ko. Para bang, ayaw ko siyang makitang umiiyak... Nanghihina ako kapag umiiyak siya... Ano to..

Tutorial: Love me (On going & unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon