Jericah's POV
"Uy Margaux, bakit nagpaiwan si Myles sa mansion nila?" Nakakapagtaka lang, kasi 9pm na tapos naeexcite akong umuwi kasi umasa akong may gagawin kami hihi. Joke, ang horny ko. Pero sa kanya lang naman :P
"Ay ambot. Ewan ko sa baklang yon. Ang pangit na nga rin ng treatment niya sayo pero ang bait mo parin don."
Pati tong kasama ko ang sungit. Anong nangyayari?
"Naiinis ako Jericah! Akala ko kay Seff ka lang marupok?!"
Luh, oo kay Myles lang naman ah.
"Huh? Anong problema Margaux?"
"Ikaw! Bat ka pumayag na magdate kayo ni Seth! Jusko mas gwapo naman si Seff don. Saka kaya di sumama si besh kasi nagseselos yon!"
Kagulat naman tong babaeng to. Para don lang? "Eh sabi niya pwede niya raw ba akong ilabas labas? Like mamamasyal at kakain lang naman. Gusto ko rin matry yung alok niya na milktea kaya ako pumayag. Akala ko di yun date saka magkamukha sila ni Myles no bat nadidistinguish mo kung sino mas gwapo!"
Teka, si Myles magseselos? As if naman.
"Hay ambot. Sige desisyon mo naman yan. Basta Jericah, wala kayong gagawin ni Seth ah. Alam mo bang bakla rin yan dati tapos nahuli siya ng nanay niya kaya pinatapon sa America kasama lolo at lola nila ni Seff. Hahaha loka nga si besh eh di nahuli up until now."
Kagulat ng mga kwento nito. Daming nalalaman.
Nakababa na kami ng kotse at siguro doon na ako sa condo ko matutulog.
"Uy si besh tumatawag. Loud speaker ko nga."
"Hoy big eyeballs."
"Gaga. Ano nanaman? Bakla bakla neto."
Okay ganyan pala siya kapag wala ako sa paligid.
"Charot. Baka marinig din ako ni mama dito kaurat. Anyway, mamayang 12 na ako uuwi dyan. May naiwan pala ako na importante."
Omg so uuwi siya? Don nalang ako matutulog sa condo niya kung ganon hihi.
"Oh and so? Si Jericah lang may pake don. Sabihan ko siya na magstay sa condo mo para pagbuksan ka."
"Okay? Gotta hang up. May parusa sa akin yung babaeng yon."
Na-drop na yung call.
"Hmm, nako Jericah. Tapatin mo nga ako."
Bigla akong kinabahan. Ewan ko, nakakakaba eh.
"Um, ano yon Margaux?"
She chuckled. Uy seryoso nakakakaba na. Napainom nalang ako ng tubig. "Hmm, virgin ka pa ba? O nakuha na ni Seff yan?"
Pagkasabi niya non, nabuga ko yung iniinom kong tubig sa mukha niya. Sino bang di magugulat sa tanong niya. Ayoko rin namang sabihin yung totoo kasi baka mag away nanaman kami ni Myles.
"Baliw, ayaw nga sa akin ni Myles eh... Saka diba bakla siya hahaha. Kaya oo, virgin pa ako." Sorry bes, need to lie kasi malaking gulo pag sinabi ko yung totoo.
"Hmm, okay. Pero di malabong magkagusto yun sayo. And ano nanaman atraso mo don at may parusa ka raw?"
Masama kutob ko don sa parusang yon ah. Feeling ko gagawin na namin hihi.
"Ha eh wala kaya ako atraso don. Sige na, punta na ako don. Matulog ka na."
Pagtayo ko hinawakan niya yung braso ko. "Good night Jericah. Maging tapat ka sa akin ha. Magtatampo ako. Kwentuhan mo ako bukas." Nag wink pa siya.
BINABASA MO ANG
Tutorial: Love me (On going & unedited)
Roman pour AdolescentsA gay in love with his tutor, but then was ruined and became miserable until a girl changed his perspective about his true identity and love.