Chapter 11

13 0 0
                                    

Seff's POV

"What a day besh! Di naman ako artista pero kailangan ko um-acting. Haysh." Pagrereklamo ko. Kasi naman, ang hirap kaya. Yung feeling na may isang katulad mo na pero di mo pwedeng ipakita sa kanya kasi baka mabuking din ako.

"OA mo besh! Anyway, doon ako sa condo ni Jericah matutulog. I already fixed her stuff and baka doon na rin ako tumira. Pwede ba?" Sabay pout ang bruha.

"Yeah sure. Pero ngayong gabi, doon muna si Jericah sa condo ko oki?" Bat ba gusto ko parin magstay yung babaitang yon? Eh siya nga rason kung bakit ang hirap maging bakla.

"Really? Ikaw ah, baka naman nagpapanggap ka nalang na bakla. You're starting to like her na talaga. Hehehe."

I rolled my eyes and bumaba na kami sa kotse. So bukas di nanaman kami papasok dahil dadalhin namin si Jericah sa bahay. For sure matutuwa yon dahil di siya papasok.

Pagkarating namin sa floor ng condo ko ay may mga police at mga nurse. What the hell is going on?

"Besh, ano to? Omg si Jericah!" Tumakbo kami papunta sa kanya. "What happened?!" Sigaw ni Margaux. Sobrang nag aalala siya even me.

"Titignan palang po namin sa cctv kung ano ang nangyari." Tang ina, ang babagal nila ah.

"Hurry up then!" Demanding na sabi ni besh.

Napansin ko namang nagmulat na ang mga mata ni Jericah. Thank goodness she's fine.

"Jericah, what happened? Yung mga ex mo nanaman ba? Are you okay? Saan masakit?" Sunod sunod kong tanong.

"Ang sakit ng tiyan ko... Sinuntok ako.." Naiiyak siya. Binuhat ko siya at agad namang inunlock ni Margaux ang pinto.

"Ako na ang tutulong sa pag iimbestiga. Alagaan mo si Jericah." Sabi ni Margaux at tumango nalang ako.

Hiniga ko siya sa kama ko at kumuha ng first aid kit.

"Who did this to you?" Tanong ko habang tinatanggal ang shirt niya. May pasa siya sa tiyan. Punyeta naman oh.

"Yung tutor mo..." Naiiyak niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit naman siya susuntukin ng ganon?

"May atraso ka ba sa kanya?" Tanong ko. Parang imposible kasing manakit si papa prof eh.

"Wala naman Myles e. Nakita ko lang siyang nakatayo sa harapan ng pinto mo tapos sinuntok niya ako."

Napailing nalang ako at nagsimula nang gamutin si Jericah. Nagagalit na ako eh. Palagi nalang nasasaktan si Jericah. Minsan naiisip ko na sobrang lakas niya ata dahil ilang beses na siya sinaktan physically pero ito parin siya, parang sanay na sanay na ata.

"Let's sleep. Bukas pupunta ka sa bahay ko. My mom wants to meet you."

Nanlaki ang mga mata niya na napabangon siya. "Hala!! Papakilala mo na ba ako Myles?! Grabe ang bilis nama-"

"Matulog ka na." Yon nalang ang nasabi ko at bago siya humiga ay hinalikan niya nanaman ako sa labi. "Goodnight. I love you."

Feeling ko namula ako don.

🌹💮🌸

"Gising na, punta na tayo sa bahay ko." Sayang, naalala ko bigla na dapat gagawin ulit namin yon. Kaso lang na-injure siya eh.

"Good morning Myles. Himala nauna kang magising sa akin." Tumayo siya at nginitian ako.

"Magluluto na ako ah." Pinigilan ko siya.

"Nagluto nako. Kain na tayo hinihintay na tayo ni Margaux." Tumango siya at sumunod na pababa.

"Good morning Jericah. Kamusta?"

Tutorial: Love me (On going & unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon