Seff's POV
Buti naman tapos na ang problema ko sa dalawang babaeng lagi ko kasama. Si Jericah, tinulungan akong mag ayos sa guest room while si Margaux nagluto ng kakainin namin.
Paano ba yan, ilang days akong magiging lalaki. I wanna confess to Jericah and tell her na bakla ako pero may pumipigil talaga sa akin. Not cool.
"Myles, pasensya ka na sa abala ha. Diba tatlong araw lang naman ako dito tapos lilipat na ako ng condo? Kahit gusto ko magstay dito, ayaw mo naman eh. Okay lang di masakit."
Problema niya? "Oo ayaw ko." Oo ayaw ko dahil di ko kaya maging bakla sa harapan niya. I really don't fcking know why.
"Mga besh kain na!" sigaw ni Margaux. Bumaba rin kami ni Jericah pero kita ko namang malungkot nanaman siya. Sabi niya di masakit? Ang gulo ng mga babae ah. Buti nalang ibang klase ako.
"Nakakatakam naman yan Margaux!" Bigla siyang natuwa. Pizza lang naman yon na minicrowave tapos adobong linuto niya talaga. Sobrang paborito ko yung adobo ni bes e. Mas masarap pa sa luto ni mom. Hehe.
"Of course nakakatakam yan. Luto ko eh." Di na ako papalag kahit magyabang siya. Totoo namang masarap eh.
Habang kumakain kami ay biglang may nag doorbell. "Ako na." Saka ako dumeretso sa pinto.
Pagkabukas ko ay si papa prof. Bigla ako bumakla shetbalsi.
"Hey.." Parang lasing siya? Bigla niya akong yinakap at shems ang bigat niya.
"Sir, lasing ka po ba?" naririnig ko pa siya mag burp. Ang cutie.
"Hindi Myles. I want you that's why I'm here. Idiot." Nakakaramdam ako ng espada sa may tiyan ko. Ayan nanaman tayo e enebe.
"Besh sino yan?" tanong ni Margaux. Shety, anong gagawin ko? Di ko naman siya pwedeng saraduhan. Di ko rin pwede patulugin. Hayst. Andito si besh kaya parang ayaw ko siya magstay dito.
"Sir, hahatid na kita. Lasing kana talaga eh sa-"
"Ayaw moko dito? Akala ko ba, gusto moko? Paasa ka naman ata Mr." Nang sabihin niya yon ay sumipot si Margaux.
"Hoy asshole na professor, anong ginagawa mo dito?!" Kita kong galit na galit si Margaux. I can't blame her, may ginawa sa kanya si papa prof na di ko rin ikinatuwa eh.
Binulong ko kay Margaux na magsestay muna si papa prof sa room ko. Inirapan niya nalang ako at tinulungang paakyatin si papa prof.
Iniwan na kami ni Margaux and I mouthed thank you. Inihiga ko si papa prof at nung patayo na ako bigla niya akong hinila pababa sa kanya. Nangseseduce nanaman siya.
"Myles... Let's have sex..." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hahalikan ko na sana siya kaso may umepal.
"Myles, ano.. Ay.. Sorry..." nag peace sign pa. Panira eh.
"Do you mind?" Pagtataray ko.
Bigla niya sinarado ang pintuan. Hahalikan ko na nga ulit sana si papa prof kaso tulog na. Buishet naman e! Kasalanan ni Jericah. Magrerevenge ako sa kanya.
Kinumutan ko na si papa prof saka umalis ng room ko at bumalik sa dining area.
"Tangna naman besh, bat mo pinatulog yung kumaw na yun dito? Don't tell me, magtatabi kayo? So ew." Well, I changed my mind. Di ako matutulog sa kwarto ko.
"Jericah, doon ako sa kwarto mo matutulog." Nakita kong nanlaki ang mata niya habang ngumunguya at pansin ko pang nagblush siya. Bad trip ako sa babaeng to kaya pagtitripan ko muna. Di ko naman siya sasaktan eh. Binitin niya kasi ako.
BINABASA MO ANG
Tutorial: Love me (On going & unedited)
Teen FictionA gay in love with his tutor, but then was ruined and became miserable until a girl changed his perspective about his true identity and love.