Seth's POV
Bigla nalang tumakbo si Louise palabas ng condo. Humahagulgol. Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ng kambal ko.
"Hoy, bakit may gusto ka don? Anong nakita mo sa kanya?"
Bulag ba siya? O nagseselos sa amin? Pero kung nagseselos siya, di dapat ganyan yung pananalita at trato niya kay Louise. Dapat sa akin siya nagagalit o dapat ako yung pinagsasabihan niya ng masasama.
"What the hell is wrong with you? Anong nakita ko sa kanya? Lahat ng gusto ko sa babae. Kung issue sayo yung pagiging tomboy niya, keep that yours. Pero gusto ko siya dahil maganda ang kalooban niya. Bitawan mo ako dahil gabi na baka may mangyaring masama sa kanya."
Di parin bumibitaw amp. Ano bang trip neto?
"Gago ka ba?! Nakawala na nga ako humawak ka nanaman!"
Sinuntok niya ako at napahawak ako sa bar counter at nasagi ko yung baso. Pagkatingin namin don, may naramdaman kaming hindi tama.
"Ugh fine tara. I feel something. Not good. Mag tutuos pa tayo."
Mag tutuos? So meaning to say, gusto niya rin si Jericah? Damn this man.
Sumunod na ako sa kanya at binilisan namin. Paglabas namin, ang daming police sa may eskinitang malapit sa condo.
"Hey what the fuck happened?!" Nagwawala nanaman tong kambal ko. Napakaweird niya. Kanina lang galit na galit siya pero ngayon natataranta siya na parang gusto nang umiyak.
"Sir, may nasaksak po dito dalawang beses. Dadalhin na po namin siya sa ospital."
Sino yung nasaksak.... Di kaya si....
"Uy yung kambal. Di niyo alam nangyari?"
Parang nakita ko na to sa school namin. Kaklase ata ni Louise.
"Hey, what happened? Bakit may sugat ka sa kamay?"
"Kuya Seff, si Jericah..."
"Gago anong nangyari sa kanya Dane?!"
"Nakita namin siya ng kapatid ko, na sinaksak ng dalawang babae, kaya linabanan namin sila. Tulungan niyo naman yung kaklase ko. Nakatakas yung dalawang babae kaya di na naabutan ng mga police."
Pagkasabi niya non, nanghina ako. Di ako makapaniwala sa nangyari.
"Tang ina mo Seff. Kasalanan mo to!"
Sinapak ko siya nang sobrang lakas at inawat kami ng dalawang police pati nung Dane na kaklase ni Louise.
"Walang mangyayari kung mag aaway kayo. Kaano ano niyo po ba ang biktima?"
"Kaibigan ko po." Ako na sumagot, inunahan ko na tong gago kong kambal.
"Aayusin namin ang kaso. Sa ngayon pwede niyo po sundan yung ambulansya at kakausapin ka namin sir Dane."
Tumango nalang si Dane at sumunod na agad ako papuntang ospital.
*room 127*
"Gago ka talaga Seff. Sinusumpa kitang hayop ka."
Nakatulala lang siya at walang imik. Blanko lang din yung mukha niya.
"Wala akong kasalanan dito. It's her fault lumabas siya eh."
Aish ang taas ng pride puta. Ano bang problema niya kay Louise?!
"Anak ng. Pota ka talaga Seff. Di ka naman ganyan. Asal hayop ka alam mo? Umalis ka na dito kung ganyan lang din naman iaambag mo dito."
BINABASA MO ANG
Tutorial: Love me (On going & unedited)
Teen FictionA gay in love with his tutor, but then was ruined and became miserable until a girl changed his perspective about his true identity and love.