Kabanata 4

902 55 10
                                    

“Nailah Saige Romero,” ani Zymon.

“Kaka Nailah mo diyan, itatapon ko na sa ‘yo ‘tong bote,” inis na sabi ni Troy sa pinsan. Kanina pa kasi niya binabanggit ‘yung pangalan nung crush niya. Para s’yang baliw ngayon na kanina pa nakangiti at hindi mapakali.

Hindi pinansin ni Zymon si Troy at patuloy lang sa pagtingin sa kaniyang cellphone. Siguro ay in-add niya na ‘to sa Fb. Lunch namin ngayon at kumakain na nga kami. Napatingin ako kay Lesly sa tabi ko na tahimik lang at malalim ang iniisip.

“Problema mo?” Tanong ko sa kaibigan. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

“Wala,” aniya at umiling. Napansin ko ang tingin sa amin ni Troy. Mukhang may iniisip din.

“Hi, nasaan si Caelus?” Napatingin kami sa magandang babae na biglang sumulpot sa mesa namin. Ngiting-ngiti ito habang nakatutok sa amin. Nagtinginan si Caiden at Troy.

“Baka nasa gym o library?” Patanong ding sabi ni Caiden.

“Ah sige, salamat. Puntahan ko lang,” paalam nung babae at ngumiti ulit sa amin bago tumalikod. Ang ganda niya at ang tangkad, mukha din siyang modelo.

“Tangina! In-accept na ako!” Gulat kaming napatigin kay Zymon. Bigla ba namang sumigaw.

“Tangina,” mura ni Caiden sa pinsan. Hindi naman siya pinansin ni Zymon at ngiting-ngiting tumingin sa kaniyang cellphone. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Hulog na hulog na si Zymon kay Nailah.

Bumaling si Troy sa akin.

“Anong oras nga uwian ni Alexa?” Tanong niya sa akin.

“Alas dos,” sabi ko. Minsan ay mas maaga kung umuwi si Alexa. Kapag wala akong klase ay ako ang sumusundo sa kaniya at kapag wala naman ay si mama ang sumusundo sa kapatid ko.

“Wala na akong klase, ako na lang ang susundo sa kaniya,” sabi ni Troy. Ganun din si Troy, kapag vacant niya ay siya ang sumusundo sa kapatid ko at kapag nagsabay ang vacant namin ay kaming dalawa pupunta sa school ni Alexa para sunduin siya.

“Sabay na lang tayo, wala na din naman kaming klase,” sabi ko. Tinapos ko na kanina ang mga plates ko at pinasa na namin iyon kanina ni Lesly.

“Okay,” pagsang-ayon niya at ngumiti sa akin. Binaling ko ang tingin kay Lesly na tahimik kanina pa. Kapag nagsasabay naman kami ay madaldal ‘to, ewan ko kung bakit bigla siyang naging tahimik.

“Pwedeng maki-join?” Tiningnan ko ang nagsalita at nakitang iyong dalawang babae ulit na tinarayan ako. Siguro ay hindi pa nakakamove-on ‘tong babae kay Troy.

“Bakit dito Aimee?” Takang tanong ni Troy. Nakita ko ang pag-irap nung Aimee sa tanong ni Troy. Ang taray.

“Wala ng vacant oh,” sabi niya. Tiningnan ko ang mga table at puno na nga, malaki naman ang table namin at pwede pa sila dito.

“Sige, upo na kayo,” sabi ko sa kanila. Umirap ulit ‘yung Aimee at hindi man lang nagpasalamat sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at uminom sa juice ko. Bigla tuloy naging tahimik sa mesa namin. Lalo na si Lesly na sobrang lalim ng iniisip. Hindi ko alam kung ano iyon, baka may problema siya at ayaw lang niyang sabihin.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon