“Venn?” Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nakita ko si Naih at ngumiti naman ako sa kaniya. Papunta na kasi ako sa room.
“Oh Naih?” saad ko.
“Mabuti na lang at nakita kita ngayon, gusto ko kasing ako magsabi sa ‘yo. Birthday ko sa 29, sama ka ha. Sa Palawan tayo,” nakangiting sabi ni Naih sa akin.
“Sige Naih, magpapaalam lang ako kay mama,” sabi ko. Tumango si Naih at nagpaalam na sa akin. Magkaiba ang building nila sa amin kaya nagmadali na siyang umalis dahil malapit na ding mag start ang klase.
Sigurado naman akong pupunta si Troy kaya sasabay na lang ako sa kaniya. Nagmadali na din akong maglakad dahil baka ma-late pa ako.
Pagdating sa room ay wala pa si prof. Kinuha ko na lang ang ilan sa mga plates ko dahil ang ilan doon ay hindi ko pa natapos. Kinuha ko din ang sketch book ko nang may maalala.
May ilang portrait akong iginuhit para kay Troy. Hindi niya pa iyon nakikita dahil hindi ko naman pinapakita sa kaniya. Hindi niya nga napapansin na iginuguhit ko siya. Iyon ‘yung magkasama kami. Lagi kong dala ang sketch book ko para iguhit siya.
Tapos na ang iba at nakulayan ko na din iyon. Gusto kong ibigay iyon sa kaniya sa birthday niya. Hindi pa kasi kami magkakilala nung nagcelebrate siya nung last birthday niya. Wala pa din ang prof. namin kaya abala din ang iba kong blockmates sa mga katabi nila. Ang iba ay inopen ang TV namin at nanood doon. Ang iba naman ay naglaro ng mobile legends.
Samantalang nakatingin lang ako sa mga portrait na nasa armchair ko. Hindi ko alam kung kelan ko matatapos ang iba pero alam kong malapit na naman kung hindi siguro ako busy ay matatapos ko na agad ang lahat ng iyon. Sana nga lang ay hindi ako mahuli ni Troy. ‘Yung unang portrait na gawa ko sa kaniya ay nalaman niya agad. Sana nga ngayon ay hindi niya na ako mahuli.
Natapos ang oras ng klase namin na walang dumating ma prof. Ang sabi ng ibang blockmates ko ay absent daw si Miss Molina. Hindi din naman siya nagbigay ng assignment at activity sa amin kaya ang ending ay wala na kaming ginawa sa dalawang oras na iyon.
Dahil vacant time naman namin ngayon, nag-text ako kay Troy na pupunta ako sa library para doon na lang muna tumambay. Hindi naman siya nag reply so I assumed na hindi pa tapos ang klase nila.
Kunti lang ang tao sa library hindi pa ata tapos ang klase ng iba. May ilan pa akong nakitang natutulog at ang iba ay may ginagawa sa kanilang mga laptop. Naghanap na ako ng pwesto para mapagpatuloy ko na ang portrait ni Troy.
Sana lang ay maya-maya pa siya pumunta dito para hindi niya makita ang ginagawa ko. Napatingin ako sa labas nang maaninag sila Caelus. Tumatakbo siya at parang may hinahabol. Sunod kong nakita ay si Zymon at Nailah. May pinag-uusapan sila at nakangiti oa sa isa’t-isa. Hindi pa sila nagkakaaminan, halata namang parehas sila ng nararamdaman. Mukhang papunta sila ng gym. Hindi ko nakita si Troy, siguro ay hindi pa talaga tapos ang klase niya.
Kinuha ko na lang ang earphone ko sa bag at sinalpak iyon sa tenga ko pagkatapos ay nagpatugtog. Minsan kasi ay gusto kong nagpatugtog kapag nag s-sketch ako. Mas ginaganahan kasi ako kapag ganun.
“Anong oras nga bukas?” Tanong ko kay Troy nang maupo kami. Lunch na at nasa cafeteria na kami. Nasa kabilang table sila Caiden at nag-aasaran.
Bukas na ang punta namin sa Palawan para sa birthday celebration ni Naih. Mabuti na lang at pumayag si mama. Nung nalaman niya kasing kasama ko si Troy ay hindi na siya nag-dalawang isip na payagan ako.
BINABASA MO ANG
In His Arms (Salazar Series #2) ✓
RomanceDate Started: June 24, 2021. Date Ended: August 11, 2021. - Mahirap ang buhay. Akala ng iba ay madali lang ang kumita ng pera, hindi nila alam na kailangan mong mag pursige para makahanap ka ng trabaho at magkaroon ng pera. Hindi man madali ang buha...