Kabanata 27

887 45 1
                                    

“Venn!” Kumaway sa akin si ate Cham. Nasa simbahan na kami at binyag na nga ni baby Charmaine ngayon. Buhat-buhat ni kuya Rafael si baby Charmaine na nakangiti ngayon.

Medyo madami na ang tao at ang ilan ay mga ninong at ninang.

“Hindi pa magsisimula ate?” Tanong ko, dahil halos lahat naman ata ay nandito na.

“May hinihintay pa eh,” ani ate Cham. Tumango ako sa kaniya.

Inayos ko ang buhok ni Alexa dahil nagulo iyon ng kaunti. Abala naman siya kay Elaine, napangiti ako doon. Tuwang-tuwa talaga siya sa aso, hindi ko alam kung bakit bigla siyang nahilig sa aso at biglang nagpabili sa akin.

“Ayan na pala siya,” sabi ni ate Cham. Nilingon ko ang tinitingnan niya at napatigil ako nang makita kung sino iyon. Bakit nandito siya? Hindi ko alam na imbitado pala ang lalaking ‘to ngayon.

Hindi man lang ako tiningnan ni Troy pero binati niya ang kapatid ko. Tahimik ako hanggang sa matapos ang pagbinyag kay baby. Dumiritso kami sa venue para sa handaan. Akala ko ay hindi na sasabay si Troy pero nakita ko ulit siya doon.

Hindi ba magagalit ang girlfriend niya? Sana man lang ay binantayan niya na lang girlfriend niya, hindi ‘yung nandito siya.

“Kuya Troy!” Tawag ni Alexa sa lalaki. Dala ni Troy si Kaith kaya tuwang-tuwa naman si Alexa dahil may kalaro na si Elaine.

Saktong tatlo naman ang upoan dito sa amin kaya dito nga uupo si Troy. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Hindi talaga siya tumitingin sa gawi ko.

Tahimik lang ako habang kumakain, hindi naman makalapit sa amin sila ate Cham dahil abala din sila sa ibang bisita. Si Troy at Alexa lang naman ang nag-uusap. Hindi naman ako pinapansin ni Troy kaya hindi na ako nakisali sa kanila.

“Kelan niyo po binili si Kaith kuya Troy?” Tanong ni Alexa. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa tanong niyang iyon.

Hindi agad nakasagot si Troy kaya nilingon ko sila. Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Troy saglit bago umiwas ng tingin.

“Regalo ko dapat ‘to sa ate mo,” ani Troy. Mas lalo lang kumirot ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Troy. Hindi ko naman ini-expect na sasabihin niya iyon.

“Talaga po? Hala ate sa ‘yo pala si Kaith,” saad ni Alexa sa akin. Hindi ako tumingin sa kanila, nahihirapang kasi ako ngayong gumalaw. Pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin at gusto ko na lang na manatili sa inuupoan ko at wag na silang lingonin.

“Yeah, but I didn’t have a chance to give it to her,” sabi ni Troy.

Naiiyak ako. Bakit ako naiiyak?

“Bakit po?” Kuryosong tanong ni Alexa. She was young that time at kapag sinabi ko sa kaniya iyon noon hindi ko alam kung maiintindihan niya.

“Something happened…” humina ang boses ni Troy. Pakiramdam ko ay nasasaktan pa din siya hanggang ngayon pero may girlfriend na siya at alam kong masaya na siya doon. Siguro nasasaktan siya sa tuwing naaalala ang nangyari sa amin noon.

Uminom ako ng tubig dahil sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Pinipigilan ko ang luha ko na nagbabadyang tumulo. Alam kong hindi madaling kalimotan ang lahat ng nangyari sa amin ni Troy.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon