Kabanata 7

857 49 5
                                    

Hindi ko na nakita pa si Aimee sa UOC. Lumipat na siya ng school, kinausap siya ni Troy tungkol sa sinabi niya sa akin. Hindi sana ako papayag pa doon pero galit si Troy at gusto niyang maturoan ng leksiyon si Aimee kaya lumipat na siya ng school dahil napahiya siya dito. Si Lesly naman ay ganun din hindi ko na siya nakita pa dahil lumipat na din siya ng ibang school.

Mas lalo kaming naging close ni Troy. Mas lalong gumagaan ang loob ko sa kaniya, lalo na kapag nakikita kong sobrang close nila ni mama at Alexa.

“Bilisan mo na girl!” Napatingin ako sa dalawang babae na nagmamadaling maglakad. Papunta din sila sa gym.

“Oo na, wala pa nga ang mga Salazar doon eh nagmamadali ka naman,” sabi ng isang babae.

Papunta din ako ngayon sa gym dahil may practice sila Troy. Hindi na ako pumunta sa room nila at didiritso na lang ako sa gym. Hindi pa man ako nakakapasok ay narinig ko na ang tilian ng mga schoolmates ko, nando’n na kasi ang ibang mga player.

Pagkapasok ay naaninag ko agad ‘yung crush ni Zymon na si Nailah may kausap ‘yung magandang babae na sa palagay ko ay kaibigan niya. Naupo ako ‘di kalayuan sa kanila.

Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung nag-text ba si Troy. Nag-text nga siya.

Troy:
Nasa gym ka na? Marami ng tao?

Me:
Kadadating ko lang. Medyo madami na din.

Troy:
Okay! See you Venn!

Napangiti ako at hindi na nagreply pa. Papunta na din naman ata sila, kanina pa sila hinihintay dito eh.

I opened my Facebook app and I saw the shared post of Nailah. It was a picture of her friend with her boyfriend. Nakita kong nag comment doon si Zymon at dinumog agad iyon ng mga ka-schoolmates namin.

“Lupet naman ni Zymon hahaha.” Napatingin agad ako sa mga nagsalita. Nakita ko sila Troy na nagtatawanan papasok sa gym. Pinag-uusapan ata nila ‘yung ginawa ni Zymon kanina.

“Ang ingay,” inis na sabi ni Zymon at sinamaan ng tingin ang mga kasama.

“Tangina ampota hahahaha.”

“Ano nga iyon?” si Caelus.

“Pwede ngayon?” sabay na sabi nila ni Troy. Umiling ako sa kanila, pikon na si Zymon dahil sa mga pang-aasar nila.

Tumingin sa gawi ko si Troy at agad na lumapit sa akin. Kinabahan ako lalo na nang marinig ang ilang mga bulongan ng mga tao sa gym.

“Wala ka ng klase?” Tanong niya sa akin.

“Wala na, dumiritso na ako dito para manood,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya at umiwas ng tingin. Bigla din namang bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Napatingin ako sa paligid nang mapansin ang mga tingin sa amin. Ang iba ay kila Zymon na nakatingin. Kausap din kasi ni Zymon si Naih ngayon.

“May problema ba?” Takang tanong ko sa lalaki. Hindi na kasi siya tumingin sa akin. May dumi ata ako sa mukha?

“Ha? Wala!” agad niyang sabi at tumingin saglit sa akin.

“May dumi ako sa mukha?” Takang tanong ko sa kaniya. Bumaling muli siya sa akin at umiling.

“Wala no!” sabi niya at umiwas ulit ng tingin. Ano kayang problema ng lalaking ‘to? Bakit hindi siya makatingin ng diritso sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at tumingin ulit kila Zymon.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon