Kabanata 22

822 38 0
                                    

Dumaan ang buwan at bumalik ulit ang panghihina ni mama. Hindi ko alam kung bakit nangyayari iyon, umiinom naman si mama ng mga gamot niya. Nag-aalala na din ako kay Alexa dahil napapadalas ang pag-iyak niya dahil sa pag-aalala kay mama.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Troy. Hindi pa kasi tapos ang klase nila at nauna akong umuwi para bantayan si mama. Sinabi ko din kay ate Cham na bukas na lang ako papasok at pumayag naman siya dahil alam niya ang sitwasiyon namin nila mama ngayon.

Me:
Love nakauwi na ako.

Loml:
Hi, my home. <3

Hindi ko alam pero naluha ako sa kaniyang reply. Hindi na kami masyadong nagsasabay umuwi ni Troy dahil abala kaming dalawa. 4th year college na din kami kaya mas marami kaming dapat na asikasohin. Kahit na ganun ay lagi naman siyang nandiyan para sa akin. Minsan nga ay nawawalan ako ng mood at sa kaniya ko nabubuntong lahat ng inis ko. Pagod ako lagi at ang nasa isip ko lang ay si mama…na sana ay gumaling na siya. Hindi ko kaya na mawala si mama sa amin, hinding-hindi ko talaga kakayanin.

“Ate!” Napatingin ako sa taas nang sumigaw si Alexa. Tumakbo na ako papunta sa kanila at nakita si mama sa loob ng kwarto na nakahiga sa kaniyang kama at maraming dugo sa kaniyang kamay. Tumakbo ako papalapit kay mama, kinakabahan dahil sa posibleng mangyari.

“V-Venn..” Nanghihinang sabi ni mama. Panay na ang iyak ng kapatid ko habang nakatingin kay mama. Hindi naman ganito ang pag-ubo ni mama dati, mas lumala talaga ang kalagayan niya ngayon. Lagi naman siyang umiinom ng gamot kaya bakit nagkakaganito siya ngayon.

“Venn!” Nilingon ko ang pintoan at nakita ko si ate Cham na nag-aalala ding nakatingin sa amin. Inalalayan namin si mama pababa hanggang sa pagpasok sa kotse ni ate. Tinext ko na din si Troy na dadalhin namin si mama sa hospital. Ang sabi niya ay susunod daw siya sa amin.

Hanggang sa makarating sa hospital ay wala pa din akong tigil sa pag-iyak, nanginginig na din ang mga kamay ko sa kaba. Si ate Cham ay nasa tabi lang namin habang nasa loob naman ang ibang nurse at si kuya Rafael.

“Venn.” Nilingon ko si Troy na kakadating lang. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Mas lalo lang akong naiyak nang maramdaman ang mainit na yakap niya sa akin.

“Ano daw? Kamusta si mama?” Alalang tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot dahil hindi ko pa naman alam. Sakto namang lumabas si kuya Rafael at agad naman kaming lumapit sa kaniya.

“Umiinom ba si Mrs. Raquel ng gamot niya?” Kumunot ang noo ko sa tanong niyang iyon. Nagkatinginan pa kami ni Troy, nagtataka din sa tanong ni Doc. Rafael.

“Opo, lagi naman siyang umiinom ng gamot Doc. Bakit po?” Tanong ko.

“Basi kasi sa pagcheck namin sa kaniya ay nakita kong walang pagbabago ngayon at nung una niyo siyang dalhin dito kasi kung iniinom niya ang mga gamot niya ay hindi na siya makakaranas ng padugo kapag uubo siya at babalik na din siya sa pagiging masigla,” saad ni Doc.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi ni Doc. Nag-aalala ako sa kalagayan ni mama, umiinom siya ng gamot pero bakit wala namang epekto ang lahat ng iyon sa kaniya.

“Binigyan ko ulit kayo ng ilang reseta para kay Mrs. Raquel. She needs to take her medicines, hindi pwedeng hindi dahil kung hindi siya iinom ng gamot ay baka hindi na siya abotin ng isang buwan,” mas lalong kumirot ang dibdib ko sa narinig. Si Troy na ang kumausap kay Doc. Dahil hindi ko na talaga kaya ang lahat ng mga narinig ko.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon