Simula

2.4K 83 3
                                    

“Venn anak, bumili ka nga muna ng sardinas kila Chamy,” utos sa akin ni mama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Venn anak, bumili ka nga muna ng sardinas kila Chamy,” utos sa akin ni mama.

Alas dyes na ng umaga at hindi pa ako kumakain. Sanay naman ako na minsan lang kumain, mahirap ang buhay namin. Wala pang naghahanap na trabaho si mama pero may nagsabi sa kaniya na may isang mayamang pamilya ang naghahanap ng cook. Pupunta pa si mama sa subdivision na iyon para masigurado kung totoo nga ba iyon.

Nakatira kami sa isang iskwater area, maliit lang ang bahay namin at kasiya lang kaming tatlo dito kasama ang nakababata kong kapatid na si Alexa.

Tumayo ako sa aming lumang upuan at kinuha ang pera kay mama. Nagbigay siya sa akin ng singkwenta pesos.

“Ilan po ma?” Tanong ko habang nakatingin sa kapatid kong nagsusulat sa kaniyang papel.

Limang taon na si Alexa, hindi pa siya nakakapag-aral dahil hindi pa kaya ni mama. Balak namin na ngayong school year ay papasukin na siya para matuto na siyang magbasa. Marunong na siyang magsulat ng kaniyang pangalan pero nahihirapan pa din siyang magbasa.

“Isa lang,” sabi ni mama kaya tumango ako. Lumabas na ko sa maliit naming bahay.

April pa lang ngayon kaya wala pa kaming pasok. Ngayong pasukan ay college na ako kaya nahihirapan talaga kami. Iniisip ko pa lang ang tuition sa papasukan kong university ay parang ayaw ko na lang mag-aral.

Ang first sem raw sa UOC ay 150,000 hanggang 300,000 pesos. Saan naman ako kukuha ng ganiyang kalaking pera. Ayokong mag-aral sa UOC kaso ang sabi ni mama ay maganda daw doon at magaling magturo ang mga professor doon kaya dapat na sa UOC ako mag-aral.

Mag-aapply pa ako sa scholar para hindi na kami mahirapan ni mama. Mataas naman ang mga grades ko kaya sa tingin ko ay kakayanin ko iyon.

“Sardinas po ate Cham,” sabi ko nang makarating sa tindahan.

Agad na kumuha si ate Cham ng sardinas at inabot sa akin. Binigay ko sa kaniya ang singkwenta para masuklian niya ako.

“Kamusta si Ate Raquel?” Tanong niya sabay abot ng sukli sa akin. Matanda si ate Cham sa akin ng limang taon. Nakapagtapos siya ng pag-aaral at isa siyang employee sa isang malaking kompanya. Wala ata siyang pasok ngayon dahil linggo.

“Okay lang naman po si mama ate,” sambit ko.

“Mabuti, hindi pa ba siya nakakahanap ng trabaho?” Umiling ako bilang sagot.

“Hindi pa ate pero may sinabi sa amin na may naghahanap raw ng cook. Pupuntahan pa iyon ni mama,” sabi ko.

“Ah alam ko kung saan iyon, gusto mo bang samahan ko si ate Raquel?” Napangiti ako sa sinabi ni ate Chamy. Sigurado akong matutuwa din si mama nito.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon