“Ate baka naman hindi ako imbitado, nakakahiya,” sabi ko nang makalabas kami sa sasakyan. Nasa labas na kami ng mansiyon ng mga Salazar at kita ko na din ang mga tao sa loob na nagsasaya.
“Ano ka ba Venn, imbitado ka nga. Tara na, baka naghihintay na si Troy sa atin,” sabi ni ate sabay hila sa akin. Birthday ni Troy ngayon kaya nandito kami. Inaya ako ni ate Chamy kaya sumama ako. Hindi naman ako sinabihan ni Troy na imbitado ako kaya nahihiya akong pumasok.
Sa huli ay napilit na din ako ni ate Cham na makapasok sa loob. Nakita ko agad ang ilan sa mga blockmates at ibang schoolmates ko dati. Ngumiti sila sa akin at kumaway na sinuklian ko din naman.
Naaninag ko na din sila Naih at Zymon kasama ang iba. Pumunta kami sa kanila at nilapag naman ni ate Cham ang regalo namin kay Troy.
“Happy birthday Troy!” bati ni ate Chamy. Ngumiti si Troy kay ate. Siniko ako ni ate Chamy at nakita kong umatras siya para makaharap ko si Troy.
“Happy birthday,” sabi ko. Tumingin sa akin si Troy at ngumiti. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. Sa ilang buwan naming nagkikita ay ngayon lang niya ako nginitian. Pakiramdam ko ay tutulo ang luha ko anomang oras ngayon. Nanginginig ang tuhod ko at parang matutumba ako.
“Thanks Venn,” sabi niya. Nanatili akong nakatutok sa kaniya hanggang sa naglakad siya palayo sa akin para puntahan ang ibang bisita.
Nilingon ko si ate Cham pero hindi ko siya nakita. Siguro ay pumunta sa ilan niyang kakilala. Nanatili ako sa pwesto ko, hinihintay si ate Cham na makabalik.
“Venn omg!” Nilingon ko ang tumawag sa akin ay nanlaki ang mata ko nang makita si Chelsie. Nagyakapan kaming dalawa dahil sa tuwa. Ngayon lang ulit kami nagkita dahil busy nga din siya. Mabuti at nakapunta siya dito.
“Buti nakapunta ka,” sabi ko sa kaniya.
“Syempre, ako pa ba?” saad niya at ngumiti sa akin.
“Napaka busy mo na ngayon no, ang daming project,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at ngumiti. Sabay kaming napatingin sa lumapit sa amin at nakita namin si Naih na malaki na ang tiyan. Siguro next month ay manganganak na ito.
“Ang magandang buntis,” ani Chelsie. Ngumiti sa kaniya si Naih.
“Akala ko hindi ka makakapunta Venn,” sabi ni Naih sa akin.
“Gusto kong makita sila lola Jimena eh,” sabi ko. Nagtinginan ang dalawa bago bumaling ulit sa akin.
“Si lola lang ba?” Makahulogang sabi ni Chelsie sa akin. Ang babaeng ‘to, kapag inasar ko ‘to kay Caelus baka magalit din.
“Oo nga girl, baka naman may isa pa,” sabi naman ni Naih.
“Hay naku, ewan ko sa inyo. Puro kayo kalokohang dalawa.” Umiling ako sa kanila at natawa naman sila sa akin.
“Ay hindi ba girl?” ani Chelsie sa akin. Umiling ako sa kanila.
“Love, what do you want?” Biglang tanong ni Zymon sa fiance niya. Biglang sumusulpot ang mokong.
“Exit muna kami ah,” biro ni Chelsie sa dalawa.
“Gaga,” ani Naih. Bumaling siya kay Zymon at nagsalita. “Spaghetti lang love, please,” sabi ni naih at tumango naman si Zymon sa kaniya at hinalikan ito sa noo.
“Sanaol,” sabay naming sabi ni Chelsie. Nagkukwentohan pa kami bago naupo at kumain. Nakita ko na sila lola Jimena pero hindi ko naman malapitan dahil may iba din silang kausap.
Mabuti na lang at kasama ko sa table sila Chelsie, hindi ko na din naman nakita si ate Chamy. Nakakainis talaga, siya ang kasama ko kanina pero ngayon ay bigla naman siyang nawala.
BINABASA MO ANG
In His Arms (Salazar Series #2) ✓
RomanceDate Started: June 24, 2021. Date Ended: August 11, 2021. - Mahirap ang buhay. Akala ng iba ay madali lang ang kumita ng pera, hindi nila alam na kailangan mong mag pursige para makahanap ka ng trabaho at magkaroon ng pera. Hindi man madali ang buha...