Kabanata 23

854 41 2
                                    

“Okay ka lang ba Venn? Namumutla ka,” alalang sabi ni ate Cham. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Tatlong linggo na akong suka nang suka at nahihilo. Stress na din ako sa mga plates at activity na binibigay sa amin. 4th year na kami at abala na kaming lahat dahil ilang buwan na lang ay gagraduate na kami.

“Masakit po ang ulo ko,” sabi ko at muntik nang matumba. Mabuti na lang ay nahawakan ako sa braso ni ate Cham. Nasa coffee shop kami at marami na ang tao.

Last last month pa ang huli kong regla at ilang beses din na may nangyari sa amin ni Troy. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok iyon sa isip ko. Agad akong tumakbo papunta sa cr nang makaramdam na para akong nasusuka.

“Pacheck up ka na kaya?” Alalang sabi ni ate na sumunod pala sa akin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko pa alam kung totoo ba ‘yung naiisip ko.

Magsasalita pa sana ako kaya lang ay dumilim ang buong paligid at boses ni ate Cham ang huling narinig ko.

“Tatawagan ko si Troy.”

“Hintayin muna natin siyang magising.”

Nagmulat ako nang marinig ang boses nila. Nakita ko si ate Cham at kuya Rafael na nag-uusap nang mapansin ang paggising ko ay agad na lumapit sa akin si ate Cham.

“Kamusta Venn? Okay ka lang ba?” Tanong niya sa akin.

“Babe, she’s okay,” sabi ni kuya sa girlfriend niya.

“Ano po bang nangyari sa akin?” Nagtatakang tanong ko. Nagkatinginan si ate at kuya nang sabihin ko iyon, parang may gusto silang sabihin.

“Buntis ka Venn, 4 weeks na,” naestatwa ako sa narinig ko, pakiramdam ko ay may kung ano sa loob ko. Halo-halong emosiyon ang naramdaman ko nang marinig iyon. May tao sa loob ko, may dinadala akong tao sa loob ko.

“Po?” Gulat na tanong ko. Hindi pa din makapaniwala sa narinig. Ano kayang magiging reaksiyon dito ni mama? Hindi pa siya maayos at hindi pa nga siya nakakalabas dito sa hospital.

“Alam na po ba ni mama?” Tanong ko kay ate Cham. Umiling siya sa akin.

“Hindi pa, hindi ko pa sinabi eh,” sabi ni ate sa akin. Hinawakan ko ang tiyan ko. Dinadala ko ang anak namin ni Troy. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na magkakaanak na kami.

“Tatawagan ko na ba si Troy?” Tanong sa akin ni ate.

“Wag po ate, ako na po ang gagawa,” sabi ko at ngumiti sa kaniya.

Hindi ko pa alam kung paano sasabihin kay Troy ang tungkol sa anak namin. Iniisip ko pa lang magiging reaksiyon niya ay napapangiti na ako. Bukas ko na lang sasabihin sa kaniya kapag sinundo niya ako sa bahay.

Maliit pa ang tiyan ko dahil 4 weeks pa lang naman at hindi pa nga ito halata. Inalalayan pa ako ni ate Cham para pumunta sa room kung nasaan si mama. Pagpasok ko sa loob ay nakita kong tulog na si Alexa sa may sofa, samantalang nanonood naman si mama ng TV. Nang mapansin kami ay gulat siyang tumingin sa akin, nagtataka siguro dahil inaalalayan ako ni ate.

Sobrang payat na ni mama pero halata pa din ang kagandahan niya at kita ko din ang ngiti sa kaniyang labi sa tuwing magkakasama kaming tatlo lalo na kapag bumibisita si ate Cham at sila Troy dito para sa kaniya.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon