Kabanata 18

797 43 1
                                    

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa mall. Naghahanap ako ng ireregalo kay Troy. Anniversary na namin sa sabado at hindi ko pa talaga alam kung anong ibibigay ko sa kaniya. Ang hirap talagang magregalo sa lalaki.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko nang tumunog iyon. Nakita ko ang text ni mama at ni Troy. Sinabi ko kay mama na binili ako ng regalo, tinanong ko nga siya kanina kung ano bang bibilhin ko para kay Troy.

Mama:
Bigyan mo ng relo para mas mahaba oras niya sa ‘yo.

Napailing na lang ako sa text ni mama sa akin. Kung mag-isip talaga si mama ay parang kaedad ko lang. Binasa ko din ang text sa akin ni Troy.

Loml:
Nakauwi ka na love?

Sinabi ko kasi sa kaniya na nasa mall ako dahil may bibilhin ako. Gusto niya nga na samahan ako pero hindi naman pwede dahil may kailangan siyang gawin ngayon sa UOC at may practice din sila ng basketball.

Mabuti nga iyon dahil hindi talaga ako makakabili ng ireregalo sa kaniya kung sinamahan niya ako ngayon dito. Hindi pa nga ako nakakapili dahil nahihirapan ako, lalo na’t first time ko naman na makaranas ng anniversary at first time kong bibili ng regalo para sa isang lalaki.

Me:
Hindi pa, hindi ko mahanap ‘yung librong gusto ko eh.

Sana lang ay maniwala ang lalaking ‘to sa akin. Nagbabasa naman ako ng mga libro pero hindi talaga ako mahilig magbasa.

Loml:
Hindi pa din tapos practice namin, see you later love.

Napangiti ako sa reply niyang iyon. Hindi nga naman siya makakapunta dito dahil hindi pa tapos ang practice nila. Tinago ko na ang cellphone ko at naglakad ulit para maghanap ng ireregalo kay Troy.

“Venn?!” Nilingon ko kung saan nanggaling ‘yung boses na iyon. Nakita ko si Chelsie na may hawak-hawak na paper ng Louis Vuitton. Nag shopping ata siya at tulad ko ay hindi niya kasama ang boyfriend niya.

“Chelsie, pauwi ka na?” Tanong ko sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam kung saan pa siya pupunta kaya so I assumed na pauwi na siya. Umiling siya sa akin at ngumiti.

“No. Bibili pa kasi ako ng bagong sandals at make up kit na rin,” aniya sa akin. “Alam ni Troy na nandito ka?” Tanong niya sa akin.

“Oo, gusto ngang sumama eh kaya lang may practice sila at saka ayoko din na sumama siya.” Kumunot ang noo ni Chelsie nang marinig ang huli kong sinabi.

“Bakit? Nag-away kayo?” Nagtataka niyang tanong.

“Hindi.” Umiling ako sa kaniya pero nando’n pa din ang pagtataka sa kaniyang mukha. “Bibili kasi ako ng regalo para sa kaniya. Anniversary namin sa sabado eh,” sabi ko.

Umawang ang bibig ni Chelsie sa sinabi ko at ngumiti. “Nakapili ka na?” Tanong niya sa akin.

“Hindi pa eh, hindi ko nga alam kung anong bibilhin sa lalaking iyon. First time ko din na magregalo sa lalaki,” sabi ko.

Kanina pa talaga ako dito at wala talaga akong maisip na iregalo sa lalaking iyon.

“Tulongan na lang kita girl, marami akong alam na pwedeng iregalo sa mga lalaki no,” nakangiting sabi sa akin ni Chelsie. Hindi na ako nakasagot dahil hinila na niya ako agad.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon