Kabanata 17

812 42 1
                                    

“Wala akong dress na pang dinner,” sabi ko kay Troy. May family dinner kasi kami ngayon kasama ang mga Salazar at sila Nailah.

“Here.” Napatingin ako sa isang paper bag na pinakita sa akin ni Troy. Kanina pa nga ako naghahanap ng maisusuot tapos ngayon lang niya ipapakita sa akin na may isusuot na pala ako.

“Binili mo?” Tanong ko sa kaniya at tiningnan na ang nasa loob ng paper bag.

“Si mommy ang bumili,” sagot niya sa akin. Isang pink silky dress ang nakita ko. Tumingin din naman doon si Troy at nakita ko ang pagkislap ng kaniyang mata.

“Bagay ba ‘to sa akin?” Tanong ko habang tinitingnan ang dress. Hindi naman siya masyadong maikli. Katamtaman lang sa akin at kahit na hindi ko pa iyon nasusuot ay alam kong kasiya iyon sa akin.

“Of course, bagay ‘yan sa ‘yo love,” sabi ni Troy. Tumango ako at tinalikuran na ang lalaki. Kailangan ko nang magbihis dahil baka ma-late pa kami sa dinner. Ayokong maghintay sila sa amin, nakakahiya kaya.

Kanina pa nga kami ni Troy dito sa kwarto ko at hindi ko nga alam ang isusuot ko para dinner namin tapos ngayon niya lang sinabi na may binili pala si tita para sa akin. Pagkapasok sa cr ay agad na akong nagbihis. Mamaya ay kanina pa pala  naghihintay sila tita doon sa mansiyon.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako. Bumungad sa akin ang gwapong si Troy na naghihintay sa akin. Sa bawat araw na magkasama kami ni Troy ay pansin ko talaga na pagwapo siya nang pagwapo.

“Ganda,” rinig kong sabi ni Troy. Ngumiti lamang ako at inayos na muna ang sarili. Kailangan ko ding mag-ayos dahil baka mamaya ay marami pala sila doon. Nakakahiya naman kung hindi ako mag-aayos.

“Sino ng nando’n?” Tanong ko sa lalaki. Nasa likod ko siya at kitang-kita ko siya sa salamin. Nakatingin lang naman siya sa akin habang nag-aayos ako.

“Sila Caelus,” aniya. Tumango ako at naglagay ng liptint. Hindi ako gumagamit ng lipstick dahil hindi ko type ang gano’n, isa pa sanay din kasi ako sa liptint kaya siguro hindi na ako hiyang sa lipstick. Pagkatapos mag-ayos ay nilingon ko si Troy na tahimik lang na nakatingin sa akin kanina pa.

“How’s my make up?” I asked.

“Ang ganda mo,” sabi niya at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.

Wala atang araw na hindi ko naririnig ang katagang iyon kay Troy. Kahit na magulo ang buhok ko at wala akong ayos ay naririnig ko sa kaniya ang salitang ‘ang ganda mo’ at natutuwa naman ako sa tuwing naririnig ko iyon sa kaniya.

Bumaba na kami at nadatnan namin sila mama na nanonood ng telebisyon nang mapansin kami ay tumingin sila sa amin. Nakangiti si mama at kita ko naman ang pagkamangha ng bunso kong kapatid.

“Wow ang ganda niyo po ate,” nakangiting sabi ng kapatid ko. Lumapit naman ako kay Alexa at hinalikan siya sa kaniyang pisngi.

“Mag-iingat kayo ha, Troy ikaw ng bahala sa anak ko,” ani mama nang makalabas kami ng bahay. Hindi na maalis ni Alexa ang tingin sa amin ni Troy si mama naman ay nakangiti pa din hanggang sa makalabas na kami ng bahay.

Hinalikan ko sa pisngi si Alexa at gano’n din si mama pagkatapos ay nagpaalam na kami ni Troy sa kanila.

“Nando’n na sila tita Emerald?” Tanong ko sa lalaki. Tumingin saglit si Troy sa akin bago bumaling sa harap at pina-andar ang kaniyang sasakyan.

“Nasa France sila mommy, business trip,” sabi ni Troy. Oo nga pala, umalis nga pala ng bansa sila tita para sa isang business trip. So sila lola Jimena lang ata ang makakasama namin ngayon.

Hindi naman traffic kaya mabilis kaming nakarating sa mansiyon ng mga Salazar. Nakita ko na sa labas ang ilang mga sasakyan ng magpipinsan. Sobrang laki talaga ng mansiyon ng mga Salazar parang palasyo. Pumasok na kami sa loob at nakita sila Caelus na may pinag-uusapan na. Wala pa sila Naih at Zymon, ang sabi naman ni Troy ay papunta na daw ang dalawa.

“Ang gaganda nanan talaga ng mga ito,” puri ni lola sa amin. Kanina ko pa nga din napapansin ang mga tingin niya sa amin nila Chelsie.

“They’re here.” Napatingin ako sa tiningnan nila lola Jimena at nakita ko na sila Naih. Bagay na bagay talaga sila ni zymon. Pagkatapos ng pagpapakilala ay nagsimula na din kaming kumain. Masyadong madaldal si lola Jimena at sanay na ako doon. Si Naih ata ay hindi pa dahil first time niyang mameet sila lola.

“Makulit ba si Troy apo?” Tanong sa akin ni lola. Hindi naman masyado, minsan nga ay nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit gano’n siya, madaldal naman si Troy pero pag magkasama kami ay nakatingin lang siya sa akin.

“Hindi naman po la,” sabi ko. Ngumiti si lola sa akin at tumango.

“Naku, wag ka pong maniwala la. Makulit si Troy, lagi niyang inaasar si Venn,” pagsumbong ni Caelus kay lola. Nakita ko namang umiling sa kaniya si Chelsie.

Hay naku, magsisimula na naman silang mag-asaran. Nakita ko sa gilid ni Caiden ang isang kaha ng Marlboro Vintage. Akala ko ay tumigil na sila sa paninigarilyo. Si Troy ay pinatigil ko na dahil masama sa kalusogan ang paninigarilyo at ilang beses ko na nga iyong sinabi sa kaniya.

Maayos naman ang naging dinner namin. Sobrang daldal ng magpipinsan na dinagdagan pa nila lola Jimena. Tawa tuloy kami nang tawa habang kumakain. Kinuwento kasi nila ang mga kalokohan ng mga lalaki nung nasa elementary at highschool pa sila. Hanggang ngayon naman ay makukulit pa din ang magpipinsan, hindi na ata mawawala iyon sa kanila.

Naunang umuwi sila Aria na hinatid nila Caiden. Sumunod naman si Naih na inihatid din ni Zymon, naiwan pa nga ni Zymon ang cellphone niya mabuti na lang at hindi pa sila nakakaalis. Tawa nang tawa si Troy nang makabalik sa amin. Hindi ko alam kung anong ginawa ng mokong, inasar na naman siguro si Zymon.

Naiwan kami ni Chelsie dahil dito kami matutulog. Nagpaalam naman ako kay mama at gano’n din si Chelsie. Tuwang-tuwa tuloy si lola Jimena nang malaman na dito kami matutulog. Gusto niya na sa susunod raw ay kaming lahat na para mas masaya.

Binuksan namin ang TV sa sala. Naghahanap kami ng panonoorin namin. Si Chelsie ang may hawak ng remote habang namimili kami. Si Caelus at Troy ay nasa kusina. Mukhang may kinukuhang kung ano doon. Hinihintay din namin sila Zymon na makabalik.

“Ito na lang?” Tumingin sa akin si Chelsie nang sabihin iyon. Napatingin ako sa TV at nakita ang tinutukoy niya. Nanlaki ang mata ko sa excitement nang makita ang papanoorin namin.

The Kissing Booth. Isa sa pinakamagandang film series na napanood ko at saka hindi siya nakakasawang panoorin. Naupo na si Chelsie matapos niyang iplay iyon, sakto namang bumalik ang dalawa na galing sa kusina. May dala silang beer at ilang pagkain. Magiinom pala ang mga mokong. Napatingin din ako sa labas nang makarinig ng ingay ng sasakyan. Nandiyan na din sila Zymon.

May dalang pizza at mcdo sila Zymon. Excited din silang naupo sa kabilang sofa nang makita kami sa sala. Sayang at wala sila Naih. Sa susunod dapat ay kompleto na kami. Tahimik lang kami ni Chelsie na nanonood habang kumakain nung dalang mcdo nila Zymon. Samantalang ang ingay-ingay naman nila Troy. Panay tuloy ang saway namin ni Chelsie sa kanila. Hindi kasi namin marinig ng maayos ang pinapanood namin at hindi na namin maintindihan dahil sa sobrang ingay ng lima.

“Beer,” alok ni Troy sa akin. Kinuha ko naman iyon, ngayon lang ulit ako makakainom ng beer. Hindi kasi ako pinapayagan nitong si Troy, mabuti nga at nag-alok siya. Hindi naman ako nalalasing agad sa beer, sa mga hard drinks lang talaga ako mabilis tamaan. Daldalan pa din nang daldalan sila Troy, hindi ata sila mauubosan ng sasabihin eh. Kahit natapos na namin ni Chelsie ang panonood ay nagkukwentohan pa din ang lima.

“Cr muna ako,” paalam ni Chelsie. Sinamahan naman siya ni Caelus. Uminom na din ng beer si Chelsie. Ang kulit na din niya kaya nakaalalay na sa kaniya si Caelus.

Tumingin ako kay Troy na hawak-hawak ang baso na may lamang beer. May pinag-uusapan sila ni Yosef na hindi ko marinig. Inaantok na din ako at gusto ko na lang matulog. Mabuti na lang at may dala akong extra na damit, makakapagpalit ako mamaya.

“Why?” Tanong sa akin ni Troy. Napansin niya siguro ang pagtitig ko ng matagal sa kaniya. Umiling ako sa kaniya at kumuha ng kapirasong pizza.

Siya naman ngayon ang tumitig sa akin. Tumikhim naman si Zymon at Caiden sa amin. Napansin ata ang pagtitig sa akin ng pinsan nila. Hindi namam sila pinansin ni Troy at nanatili ag titig sa akin. Kinunotan ko siya ng noo.

“I love you,” he mouthed.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon