Kabanata 14

839 49 2
                                    

Credits sa may-ari ng lyrics video na ginamit ko na galing sa youtube.

Say You Won’t Let Go by James Arthur

“Umiinom ka ba Venn?” Tanong sa akin ni Caiden. Tapos na ang undas break kaya may pasok na kami sa lunes. Nasa mansiyon kami ni lola Jimena at nag-aya biglang uminom itong si Caiden. May problema sa babaeng nagugustohan niya.

“Hindi siya umiinom,” si Troy ang sumagot. Tumingin sa kaniya si Caiden at ngumiwi. Tiningnan ko naman si Troy na ngayon ay parang walang pakialam sa sinabi niya kanina. Bakit niya sinabing hindi ako umiinom? Eh hindi niya nga alam iyon.

Umiinom naman ako kaya lang ay kapag kay okasiyon na at saka hindi ko din kayang uminom ng marami lalo na ‘yung mga hard na inomin. Umiling na lang ako kay Caiden dahil ayaw ko din namang uminom ngayon.

Tiningnan ko lang naman sila habang umiinom sila. Kumain na lang ako ng fruit salad at spaghetti habang hinihintay na matapos ang mga lalaki. Mukhang matagal pa ata silang matatapos dahil panay ang pagkuha nila ng mga bagong beer. Si Zymon naman ay mukhang may tama na dahil papikit-pikit na siya habang nagtitipa sa kaniyang cellphone.

Napatingin ako kay Troy na kinuha din ang kaniyang cellphone, mukhang kukuha siya ng litrato. Tumayo ako at lumipat sa isang sofa na hindi kalayuan sa kanila. Hindi naman nila napansin ang pag-alis ko.

Mukhang dito ata ako matutulog ngayon. Nagpaalam naman na si Troy kay mama at pumayag na si mama. Hindi na ata ako maihahatid ni Troy ngayon dahil nga mukhang lasing na din siya. Umiling na lang ako habang tinatanaw ang magpipinsan na ngayon ay nagtatawanan na.

“Gago, nag drunk call na ampota.” Napalingon ako sa mga lalaki nang magsalita si Troy. May katawag na si Zymon at tawa naman nang tawa sila Troy.

Pumikit-pikit si Zymon at tumingin pa kila Troy. Lasing na nga. Namumula na din ang mga mukha nila.

“Tingnan mo, tingnan mo,” ani Troy at tumawa ulit. Ang kukulit talaga ng mga to.

Kinuha pa ni Caiden ang cellphone ni Zymon at tiningnan kung sino iyong kausap ng pinsan nila.

“Ay gago, si Nailah pala,” ani Caiden. Nagkatinginan ang magpipinsan at parang nag-uusap ang mga mata nila. Alam naman na nila na may gusto itong si Zymon kay Nailah. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa nililigawan nitong si Zymon ang crush niya. Baka mamaya ay maunahan pa siya ng iba diyan.

Tumayo si Zymon at lumayo sa mga pinsan niya para siguro makausap niya ng maayo si Naih. Ang ingay naman kasi talaga nila Troy, baka mamaya ay hindi naririnig ni Naih ang mga sinasabi ni Zymon sa kaniya.

“Wala ng beer Troy,” sabi ni Caiden. Kumunot ang noo ni Troy sa kaniyang pinsan.

“Ano naman? Wag mong sabihin na ako na naman ang kukuha?” may inis na sabi ni Troy. Dahan-dahan namang tumango si Caiden kaya tinaasan siya ng middle finger ni Troy.

“Gago! Bahala ka, ayoko nang uminom. Si Caelus utosan mo, nababaliw na ata ‘yan kanina pa ngiti nang ngiti,” sabi ni Troy at umiling. Tumingin naman si Caiden at Yosef kay Caelus na nakangiti nga ngayon habang hawak-hawak ang cellphone nito.

Bumaling si Troy sa akin at nagtaka pa siya nang makitang medyo malayo ako sa kanila. Hindi naman kasi talaga nila napansin ang pag-alis ko sa tabi nila. Masyado silang abala kanina kaya hindi na nila ako napansin. Tumayo si Troy at agad na naglakad papunta sa gawi ko.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon