Kabanata 13

805 42 1
                                    

A Friend of Mine by Odette Quesada

Last week na ng October at undas na next week. Ang bilis talagang lumipas ng araw. Nasa gym ako, nanonood sa ilang mga varsity player na nagpapractice ngayon. Wala pa sila Troy dahil may quiz pa daw sila, dumaan ako kanina sa room nila at nakita kong abala sila. Sinabihan niya ako na susunod na lang daw siya dito dahil nga may practice din sila.

Naaninag ko agad si Zymon at Nailah na nag-uusap sa kung ano. Sumunod ay si Chelsie at Caelus na may pinag-uusapan din. Nang mapansin ako ay ngumiti sila sa akin. Sinuklian ko din sila ng ngiti. Hinihintay ko din ang pagdating ni Troy.

“Naks may gitara!” Napatingin agad ako sa nagsalita. Naaninag ko si Troy na may dala-dalang gitara. Inaasar pa siya ng iba nilang ka team sa basketball.

“Manghaharana ka na Troy?” asar ni Zymon sa pinsan.

“Gusto mo ikaw muna?” asar din sa kaniya ni Troy. Tumawa naman agad si Caelus na sinabayan ni Chelsie. Bumaling sa akin si Troy at kumaway, ngumiti lang naman ako sa kaniya.

Bakit nga ba kasi may dala-dala ‘tong gitara?

“Sorry natagalan ako,” aniya nang maupo sa tabi ko. Kahit na hindi ako nakatingin sa paligid ay ramdam ko naman ang mga matang nakatingin sa amin.

“Okay lang.” Ngumiti ako sa kaniya. “Bakit may dala lang gitara? Is that yours?” Tanong ko sa kaniya.

“Wait lang naman Venn, isa-isa lang naman ang tanong. Mahina ang kalaban,” saad niya. Umiling ako at ngumiti na lang.

“Kidding,” sabi niya at tumingin sa akin. “Kakabili ko lang nito kahapon, may kinabisado akong kanta eh,” sambit niya, nakatingin pa din sa akin.

Nanlaki ang mata ko doon. Hindi ko pa naririnig na kumanta si Troy dahil hindi naman siya kumakanta kapag magkasama kami eh.

“Anong kanta?” Tanong ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita at nag strum na ng gitara. Hindi pa nga siya nagsisimulang kumanta ay parang alam ko na kung anong kakantahin niya.

I’ve known you for so long
You are a friend of mine
But is this all we’d ever be?
I’ve loved you ever since
You are a friend of mine
But babe, is this all we ever could be?

Malamig ang boses ni Troy pero ramdam ko ‘yung emosiyon niya habang binibigkas niya ang bawat lyrics nung kanta.

You tell me things I’ve never known
I’ve shown you love you’ve never shown
But then again, when you cry
I’m always at your side
You tell me ‘bout the love you’ve had
I listen very eagerly
But deep inside you’ll never see
This feeling of emptiness
It makes me feel sad
But then again I’m glad

Tumaas ang balahibo ko nang kantahin niya iyon, nagkatitigan pa kami ng ilang saglit pagkatapos ay pumikit siya habang dinadama ang pagkanta.

I’ve known you all my life
You are a friend of mine
I know this is how it’s gonna be
I’ve loved you then and I love you still
You’re a friend of mine
Now, I know friends are all we ever could be

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon