Matapos nung nangyari sa gym ay hindi ko na masyadong pinapansin si Troy. Nagtataka na nga si Troy sa akin eh pero hindi naman niya ako tinatanong kaya hinayaan ko na lng din.
Nasa library ako ngayon nagr-review dahil mag m-midterm na kami. Nagkasalubong kami kanina ni Troy pero hindi ko siya pinansin. Tinawag pa ako nila Caiden at ngumiti lang naman ako sa kanila.
Napatingin ako sa dalawang pumasok sa library. Nakita ko si Zymon at Naih nang makita ako ay ngumiti sila sa akin. Sinuklian ko din sila ng ngiti at nakitang naghanap na din sila ng mauupoan. Sumunod na pumasok sa loob ay sila Troy. Nagtagpo ang mata namin pero agad din naman akong umiwas ng tingin sa kaniya.
Kinuha ko ang librong kanina ko pang binabasa, wala din namang pumapasok sa utak ko dahil panay ang isip ko kay Troy. Hindi ako sanay na ganito kami ni Troy pero ano bang magagawa ko eh ito naman ang gusto ko, ang hindi na siya pansinin tapos ngayon ay nagsisi ako. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.
Kaya siguro naiinis ‘yung mga lalaki sa ibang babae dahil hindi nila maintindihan kung ano bang tumatakbo sa mga isip nila. Kagaya ngayon, naiinis nga din ako sa sarili ko.
Ang gulo-gulo ng isip ko ngayon. Pati ako naiinis na din sa sarili ko. Bumuntonghininga ako at nagpatuloy na sa pagbabasa. Mag-isa na nga lang ako dito kaya dapat ay hindi na ako mag-isip ng kung ano-ano. Isa pa hindi din alam ni mama na nagkaaway kami ni Troy. Nag-away nga ba talaga kami? Ako lang naman talaga ang hindi namamansin. Mabuti at hindi niya ‘to binanggit kay mama, paniguradong tatanongin ako nun.
Umiling ako at tumingin sa gawi nila Troy. Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatingin siya sa gawi ko, ilang saglit kaming nagkatinginan kung hindi pa siya kinausap ni Caiden ay hindi siya iiwas ng tingin.
Ano kayang balita sa kanila nung babaeng nagpapicture sa kaniya. Kinuha pa ang number niya, sigurado akong nagkakamabutihan na sila nun. Ano ba Venn. Ikaw ‘tong hindi namamansin diba? Tapos ngayon ay nanghihinayang ka sa ginawa mo.
“Ano ‘yan Troy?” rinig kong tanong ni Caiden sa pinsan.
Kanina ko pa naririnig mga boses nila, mahina lang naman iyon dahil nasa library kami pero naririnig ko ang boses nila habang nag-uusap.
“Wtf Troy?!” si Yosef. Narinig ko din ang tawa ni Caiden. Mukhang tinitingnan ata nila ang ginagawa ni Troy
Kanina ko pa nga din gustong lumingon sa kanila dahil nakukuryos ako sa mga ginagawa nila dahil naririnig ko ang mga boses nila pero ayoko ding lumingon dahil ayokong makita si Troy.
Kanina pa talaga ako nagbabasa pero walang pumapasok sa utak ko. Kasi naman Venn! Mag focus ka sa binabasa mo, wag mo nang pakinggan sila Troy.
Hinilot ko ang sintido ko dahil sa inis sa sarili. Desisiyon ko naman ‘to pero naiinis talaga ako sa sarili ko.
“Venn diagram, Troy seriously?” ani Yosef sa pinsan. Narinig ko ang pagtawa ni Caiden. Mabuti na lang at hindi sila naririnig ng librarian.
“Bakit ka nagd-drawing ng Venn diagram Troy?” ani Caiden.
Lumingon ako sa kanila at nakitang nakatingin sa akin si Troy. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ‘di malamang dahilan. Hindi agad ako nakaiwas ng tingin dahil parang naestatwa ata ako.
“I like Venn…” Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Troy. “diagram..” dagdag niya. Umiling si Caiden at lumingon din sa gawi ko. Ngumiti siya sa akin ay kumaway, sinuklian ko din siya ng ngiti at tumango lang pagkatapos ay umiwas na ng tingin sa kanila.
Nababaliw na talaga ako!
Pagod akong nahiga sa kama ko. Kakauwi ko lang at tapos na din akong mag-review. Midterm na sa lunes kaya abala kaming lahat. Ako lang ang tao dito sa bahay. Sinama ni mama si Alexa sa bahay nila Troy dahil walang klase sila Alexa, hindi naman pwedeng maiwan si Alexa dito dahil wala siyang kasama.
BINABASA MO ANG
In His Arms (Salazar Series #2) ✓
RomansaDate Started: June 24, 2021. Date Ended: August 11, 2021. - Mahirap ang buhay. Akala ng iba ay madali lang ang kumita ng pera, hindi nila alam na kailangan mong mag pursige para makahanap ka ng trabaho at magkaroon ng pera. Hindi man madali ang buha...