Kabanata 15

858 41 0
                                    

After the lyrics confession of Troy, finally we’re official.

Wala pang nakakaalam na kami na. Hindi ko nga alam kung nagkukunwari lang ba sila Zymon na wala silang alam o baka wala talaga silang alam tungkol sa amin ni Troy. Hindi ko pa nga din sinabi kay mama ang tungkol sa amin, ganun din si Troy kila tita Emerald. Hindi ko naman kasi alam kung paano sasabihin. Kahit na alam ko na sobrang boto si mama kay Troy ay nahihiya pa din akong sabihin kay mama na kami na nga ni Troy.

“Venn anak hindi ka pa ba matutulog?” Napatingin ako sa may hagdanan nang makita si mama. Alas dyes na din kasi ng gabi at gising pa din ako. May inaabangan kasi akong palabas sa TV namin. Si mama naman ay gising pa din pero mukhang patulog na din siya, si Alexa ay tulog na dahil nga may klase pa siya bukas. May klase din naman ako bukas pero may papanoodin kasi ako at saka nagugutom ako.

“Maya-maya po ma,” sabi ko. Tumango si mama sa akin pero hindi naman siya umakyat sa taas. Naupo siya sa kabilang sofa at tumingin din sa telebisyon namin.

Lalo akong nagutom nang makita ang commerical ng mcdo sa TV. Kumain na ako pero nagugutom pa din ako, natatakam ako sa mcdo lalo na ‘yung fries at burger nila.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong jacket. Medyo malamig kasi ngayon kaya nag-jacket na ako. I saw a text from Troy.

Loml:
Anong ginagawa mo?

Me:
Nanonood ng TV. Tapos ka ng mag review?

May quiz at recitation kasi sila bukas kaya kailangan niyang mag-review. Napatingin ako kay mama na nakatingin pa din sa telebisyon namin at nando’n lang ang buong atensiyon.

Loml:
Kakatapos ko lang mag-review. Tulog na ba si mama Raquel?

Me:
Hindi pa tulog si mama. Nanonood pa din siya ng TV eh.

Loml:
Bakit ‘di ka pa natutulog? May klase pa tayo bukas.

Me:
Hindi pa nga ako inaantok at saka nagugutom din ako.

Naalala ko na namam tuloy ‘yung fries sa mcdo. Nakakagutom talaga.

Loml:
What do you want love?

Pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko ngayon. Hindi naman na bago sa akin ang mga pa sweet-sweet ni Troy pero ‘yung pagtawag niya kasi sa akin ay iba na. Pakiramdam ko ay ang daming paro-paro sa tiyan ko.

Me:
Mcdo love.

Nagsend pa ako ng ilang mga picture ko na ngayon ko lang din kinunan.

Loml:
Ang ganda mo talaga.

Hindi agad ako nakareply sa text niyang iyon. Nag-init na naman ang pisngi ko. Napatingin ulit ako kay mama nang tumayo na siya at naglakad sa may hagdanan.

“Matutulog na ako Venn. Mamaya ka pa ba?” Tanong sa akin ni mama.

“Maya-maya po ma,” sabi ko. Tumango si mama sa akin.

“Sige anak, goodnight,” ani mama.

“Goodnight po ma,” sabi ko at naglakad papunta sa kaniya para humalik sa kaniyang pisngi. Pagkatapos ay umakyat na si mama. Napatingin naman ako sa labas nang makarinig ng ingay.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon