Kabanata 6

816 53 8
                                    

“Venn, ikaw na muna ang bahala dito ah. Si Alexa mamaya sunduin mo,” ani mama sa akin.

“Opo ma,” sabi ko. Hindi ko man lang nilingon si mama. Ayaw kong makita ni mama na namamaga ang mata ko. Hindi ako pumasok ngayon, masakit ang mata ko dahil sa kakaiyak kahapon hanggang kanina. Hindi alam ni mama iyon dahil ayokong sahihin sa kaniya ang totoong rason.

Ang sinabi kong rason kay mama ay wala kaming pasok. Nag-text naman ako sa prof. namin na may sakit ako kaya hindi na muna ako makakapasok, ganun din ang sinabi kong rason kay Troy. Alam ko kasing magtataka siya kung bakit hindi ako pumasok ngayon. Hindi ko pa din sinasabi sa kaniya ang mga nalaman ko kahapon.

Hindi ko alam na ganun pala si Lesly. Ang buong akala ko ay mabait siya dahil iyon naman ang mga pinakita niya sa akin, ngayon ko lang talaga napagtanto na hindi nga talaga ako bagay sa UOC. Mayayaman ang mga nag-aaral doon. Masakit isipin na ganun ang trato nila sa mga kagaya ko, hindi ko naman na nasagot si Aimee dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya. Hindi ako makaimik kahapon ata ang ginawa ko lang ay umiyak.

Pag-uwi ko dito sa bahay kahapon ay wala si mama at Alexa mabuti na din iyon, hindi nila nalaman na umiyak ako. Ang sakit-sakit ng mata at dibdib ko. Bumabalik pa din kasi sa akin ang lahat ng mga sinabi niya sa akin kahapon. Alam ko namang ayaw niya talaga sa akin kaya niya nagawa iyon. Mas lalo lang akong nasaktan dahil sa ginawa ni Lesly. Hindi ko alam na gagawin niya iyon, mabait naman ang pagkakakilala ko sa kaniya. Napansin ko na iyon nung una pero hindi ko na lang siya tinanong lalo na’t ayokong mawalan ng kaibigan.

Mahirap kasing walang kaibigan. ‘Yung gusto mo ng makakakwentohan sa lahat ng mga nangyari sa ‘yo o tungkol pa man sa crush mo. Maganda kasi talagang magkwento ng ganiyan sa mga kaibigan mo. Kay Lesly ko iyon nakita, napakabait at ang daldal pa. Hindi ko alam na hindi pala tunay na kaibigan ang turing niya sa akin.

Pinalis ko ang luha sa mga mata ko. Umiiyak na naman ako, kahit ata sa maliliit na bagay ay umiiyak ako. Kunting sabi lang ng joke na hindi maganda ay naiiyak na ako, mababawa lang talaga ang luha ko. Kaya minsan ay naiinis ako sa sarili ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang alas onse na. Isang oras na lang ay magl-lunch na sila, nag-online na muna ako sa Facebook ko. In-off ko ang active status ko para hindi nila malaman na online ako ngayon. Agad na nakita ko ang post ni Aimee, hindi naman kami friends pero dahil nagreact doon si Lesly ay nakita ko iyon.

Hindi ko inunfriend si Lesly at hindi din naman niya ako inunfriend, hinayaan ko na lang iyon.

Aimee
Sino ba ‘tong girl na ‘to? Hindi pumasok dahil nahiya na, iskwater kasi HAHAHAHA

Mga schoolmates namin at iba kong kablock ang nagcomment doon. Hinanap ko ang pangalan ni Troy pero hindi ko nakita, mabuti na lang iyon dahil baka maisip niya na ako iyong mine-mean ni Aimee sa post niya. Ako naman talaga iyon, halata naman kasi.

Nakita ko pa ang isang post ni Aimee na bago lang.

Aimee
Wala ka naman talaga kaibigan girl, hindi ka nababagay dito. Mabuti nga at hindi ka pumasok😂

That hit me hard. Alam ko na naman iyon. Alam ko na na hindi talaga ako nababagay sa mga mayayaman. Naisip ko din na lumipat na lang ng school kaya lang sayang na ang perang ginagastos ni mama para sa akin. UOC lang ang malapit dito sa bahay namin at ayoko ng magtaka pa si mama kung bakit ako lilipat kaya titiisin ko na lang ang lahat.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon