Sobrang bilis ng araw. 3rd year na kami at pahirap na talaga nang pahirap ang mga lessons na tinuturo sa amin pero nakakaya naman namin. May ilang mga plates pa akong hindi pa natatapos dahil sa abala din ako sa ibang activity na binibigay sa amin ng ibang professor.
Palabas na ako ng UOC, hindi kami sabay ni Troy dahil abala din siya. May laro sila next week at araw-araw ata ay may quiz at recitation sila. Magt-taxi lang ako ngayon.
“Venn!” Nilingon ko ang tumawag sa akin at nanlaki ang mata ko nang makita si ate Chamy. Grabe ang tagal naming ‘di nagkita ah. Nakangiti sa akin si ate Chamy at kita ko ang pagbabago sa kaniya. Sobrang ganda at tumangkad din si ate, ang sexy niya din ngayon. Baka may boyfriend na siya?
“Ate?” saad ko at nagyakapan kami.
“Kamusta Venn? Ang ganda mo lalo ah,” ani ate Cham sa akin.
“Ikaw nga ang gumanda lalo. May boyfriend ka ate?” Nakangiting sabi ko. Halata kasi kay ate na inspired siya. Hindi naman agad nakasagot si ate kaya nalaman ko agad na meron na nga siyang boyfriend.
“Taga saan ate? Ilang taon na kayo?” Excited na tanong ko. Natawa si ate sa akin.
“Last year lang kami at saka Doctor siya.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni ate.
“Talaga ate? Grabe ang swerte.” Nagtawanan kami sa sinabi ko.
“Wait nga lang, pauwi ka na ba?” Takang tanong sa akin ni ate.
“Opo eh, hindi ko kasabay si Troy kaya mag t-taxi sana ako,” sabi ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni ate Cham sa sinabi ko.
“Troy?” Tanong niya. Hindi naman agad ako nakapagsalita kaya napalitan ng ngisi ang kaniyang mukha.
“Boyfriend ko po,” saad ko. Tumango-tango si ate sa akin.
“Sabi ko na nga at may boyfriend ka na,” ani ate. “Ilang taon na kayo?” Tanong niya sa akin.
“Mag t-two years po sa November ate,” sabi ko. Umawang ang labi ni ate pero agad ding tumango at ngumiti sa akin.
“Sumabay ka na sa akin at ihahatid na lang kita, gusto ko din makita si ate Raquel at Alexa,” excited na sabi ni ate at hinila ako. Lumapit kami sa isang BMW.
“Sa ‘yo ‘to ate?” Tanong ko nang buksan niya ang pinto ng sasakyan.
“Kay Rafael, sa boyfriend ko. Ang dami niyang sasakyan at bigay niya lang ‘to sa akin,” ani ate. Sumakay na kami at pina-andar na din niya ang sasakyan. Kung ganun sobrang yaman naman pala ng boyfriend ni ate Chamy.
Dumaan din kami sa Jollibee at nag drive thru, alam talaga ni ate na favorite ni Alexa ang spaghetti sa Jollibee. Nagkukwentohan kami ni ate Cham hanggang sa makarating kami sa bahay. Nalaman kong may coffee shop ‘yung boyfriend ni ate Cham na ipinangalan na sa kaniya at hindi na din nagtatrabaho si ate doon sa kompanya na pinagtrabahohan niya dati. Ang ganda na din ng buhay ni ate Cham ngayon at nalaman kong nakatira na sila sa iisang bahay ni kuya Rafael.
Pagdating sa bahay ay sumalubong sa amin si Alexa n umiiyak. Agad naman akong kinakabahan dahil hindi naman ganun si Alexa.
“Bakit?” Natataranta kong tanong sa kaniya.
BINABASA MO ANG
In His Arms (Salazar Series #2) ✓
RomanceDate Started: June 24, 2021. Date Ended: August 11, 2021. - Mahirap ang buhay. Akala ng iba ay madali lang ang kumita ng pera, hindi nila alam na kailangan mong mag pursige para makahanap ka ng trabaho at magkaroon ng pera. Hindi man madali ang buha...