Chapter 23: The Twins

47 8 0
                                    

Verse of the Day.
"Seek ye Jehovah and his strength; Seek his face evermore."
‭‭1 Chronicles‬ ‭16:11

Chapter 23
The Twins
[ James Bradley ]

NAPATINGIN KAMING lahat sa mga pangalang nakasulat doon sa nakalutang na monitor. Nandoon lahat ang mga pangalan sa kung sino ang kalalabanin mo. Ganoon pa rin ang setup. Rank SUPREMUS will only fight within that rank and no one else with.

Ang bestfriend kong parang pader laban sa kakambal niya. Ang babaeng pilit kong itinatanggi na gusto ko laban sa 'kin. Ang nakakatakot na boyfriend ni Hilary laban sa mahangin na babaeng anak ni Professor Kalbo. The girl who doesn't care to anyone versus the girl who became our instant friend because of Maureen. At ang magiging ka-duel naman ng medyo baliw na mangkukulam ay ang lalaking enhanced geek na kung tawagin.

Nabasa ko rin ang makakalaban ni Mau na paniguradong ang saya-saya na ngayon. Si Bea Desiree na inisang suntok niya lang at nawalan na ng ulirat. Katakot pala 'tong mairita! Mas nakakatakot pa kay Kendreck, naku naman. Hindi ko alam kung paanong sila ang magkalaban pero mukhang pakana 'yon ng pinsan ni Ella, si Bea.

A revenge, I guess? Well, sana magtagumpay siya. Kung hindi naman, ipagdasal ko na lamang ang kaniyang kaluluwa.

Nasa red benches kami ng mga senior at kitang kita ko kung paano ngumisi nang malawak si Maureen habang nakatingin sa screen ng monitor pagkatapos ay lumingon sa 'kin. Napakurap ako nang kumindat siya.

Pakshet! Dios mio mahabagin! Ano na naman ba'ng kalokohan ang pumasok sa kokote ng babaeng ito?!

Ngumiti nalang ako nang alanganin na siyang ikinairap niya. Ang taray talaga ng malanding 'to!

Pero hindi ko pa rin nakalimutan ang sinabi niya noong unang araw ng Blue Moon. Liligawan daw si bestie?! Sino naman kaya ang nag-suggest sa kaniya no'n? Wala talagang kahihiyan sa katawan ang babaeng 'to! Ah, maliban pala noong nandoon kami sa library pero parang mas tumapang na ito ngayon.

Ano kaya ang nakain nito? Para makain ko na rin at hindi na maging torpe.

"Natatae ka, James?" rinig kong tatawa-tawang tanong ni Sofia sa gilid ko. Ha! Halikan kita diyan, eh! "O kinakabahan ka na sa 'kin? You know, even though you're a guy, you can never defeat a lady like me," she blurted before leaving and sat beside Hilary. Hindi ko siya pinansin at baka asarin na naman ako nito.

Katabi naman ni Hilary sa kabila ang kapatid nitong nakabusangot at iritang-irita na sa tinitingnan. Tiningnan ko rin 'yon at nakita ko kung pa'no siya kinindatan at binigyan ng flying kiss ni Maureen.

Napangiwi ako. Jusko! Kahit nasa malayo ay nagawa pang manlandi! Ano 'yan, long distance landian?

Lumapit ako kay Jack na parang kaunting pitik na lang ay bubuga na ng apoy, kahit mukhang lupa naman ang maibuga. Napalingon ito sa 'kin at agad akong sininghalan, "What?!"

Napaatras ako at kalauna'y tumawa nang malakas. "Anong mukha 'yan, bestie? Nilalandi ka na naman ba?" I tapped his back for him to get calm. Hindi pwedeng irita itong lalaban dahil baka mapuruhan ng sobra ang kakambal niya. Lagot talaga 'yan sa 'kin ang Maulande na 'yan!

Are you jealous, dear James? Don't tell me, you like my husband?!

Napaitlag ako sa sigaw sa loob ng aking ulo. Bakit niya ako nakakausap sa isipan gayong kami lang namang mga Supremus ang naka-mind link? Sinubukan ko naman siyang sagutin pero hindi ko magawa-gawa.

Napabuntong-hininga na lamang ako at hindi na siya pinansin dahil mas kailangan ko ngayon mag-focus sa match. Unang magalalaban ang senior level hanggang sa junior level. The first to fight are the twins.

SEEKING IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon