Chapter 16: The Foes

55 6 0
                                    

Verse of the Day.
"And Peter said unto them, Repent ye, and be baptized every one of you in the name of Jesus Christ unto the remission of your sins; and ye shall receive the gift of the Holy Spirit."
‭‭Acts‬ ‭2:38‬ ‭

Chapter 16
The Foes
[ Third Person ]

"NAIBIGAY MO ba?" tanong ng isang lalaki na nasa mid-40s ang edad. Malaki siyang tao at nakasuot ng damit na panghari. Makikita mong maganda siyang lalaki noong kabataan pa niya ngunit ang kaniyang mga mata ay nanlilisik at mapupula. A creepy smirk form into his lips after he said those words.

Nanginginig na tumango ang babae na mas bata pa sa kanya ng sampung taon. "O-Opo, Mahal na Hari..." sagot niya sabay yukod dito.

"Magaling kung gano'n. Magiging madali ang aking plano. Makatutulong nga ang mala-anghel mong mukha, Omna. Ngayon, lumayas ka sa harapan ko dahil hindi mo nabantayan na may nagbigay na pala sa kaniya ng kaalaman tungkol doon!"

Agad na tumalima ang babae na nagngangalang Omna dahil sa pagbabago ng mood ng kaniyang tinatawag na hari at dahil na rin sa takot.

"D-Dad! Don't worry about the knowledge you're talking about. Paniguradong hindi pa niya iyon nahahalata dahil suot pa naman niya 'yon," biglang nagsalita ang bagong dating na dalaga.

"Binabantayan mo ba siya nang mabuti?" tanong ng hari habang nanlilisik ang mapulang mga mata nito. Agaran namang tumango ang dalaga. "Mabuti. Alam mo ba ang kahalagahan ng bagay na iyon?"

"Malalaman mo ang mga lugar na mapupuntahan niya sa pamamagitan no'n. Kumbaga 'tracker' sa mundo ng mga tao," kaagad na sagot ng dalaga.

Tumatango-tango naman ang hari at tumahimik. Ngunit kalauna'y nagtanong ulit. "Ano ang pinagkakaabalahan niya roon? May plano ba siya? Bakit siya napunta rito?" sunod-sunod niyang tanong.

Mapapansin naman sa mukha ng dalaga ang sakit sapagkat siya ang anak pero iba ang pinagtuunan ng pansin ng kaniyang ama. Ni-minsan sa kaniyang buhay ay hindi siya nito tinanong gaya ng pagtatanong ng kaniyang ama sa ibang tao. Ni-hindi siya nito kinakamusta ngunit pinili pa rin niyang sumunod sa mga utos nito. Sa isip ng dalaga ay baka ito na ang paraan para mapagtuonan siya ng pansin.

"A-Abala po siya sa pagtuklas ng mga bagay-bagay at hindi ko alam ang kaniyang mga plano. Hindi siya pala-salita kung ano ang nasa kaniyang isipan, Dad." Nakakuyom ang mga kamao nang magsalita ang dalaga.

Maganda ang dalaga. Maputi at makinis ang balat. Itim na itim ang kulay ng hanggang kili-kili niyang buhok. Strikta kung tingnan ang kaniyang kilay ganoon din ang kaniyang itim na mga mata. Matangos ang ilong at parang natural na nakanguso ang rosas na labi. Balingkinitan din ang kaniyang katawan at kung ikukumpara sa kaniyang malaking tao na ama, hanggang kili-kili lamang siya rito.

Kahit nag-aalinlangan ay isinantinig niya ang kaniya saloobin sa kaniyang Ama, "S-Sa akin, Dad, hindi ka magtatanong?" Napaangat siya ng tingin sa kaniyang ama ngunit agad ding binawi dahil nanlilisik na naman ang mga mata nito nang humarap siya. Ikinuyom niya ulit ang kaniyang mga kamao at itinago sa kaniyang likuran.

"Huwag mo akong matawag-tawag na 'Dad' kung hindi mo maisagawa nang mabuti ang iyong trabaho! Lumayas ka rito sa harapan ko! Lapastangan!" sigaw sa kaniya ng hari.

Tumatango-tango ang dalaga na tila naintindihan niya kung bakit ganiyan ang kaniyang ama. Tumalikod siya at tuluyan nang rumagasa ang kaniyang mga nagbabadyang luha kani-kanina pa.

"Why it's always be her?"

LUMILINGA-LINGA ang binatang lalaki sapagkat siya'y naliligaw. Hindi na niya alam ang daan na kaniyang pinatutunguhan papunta sa direksyon na ibinigay ng kaniyang kausap kamakailan lang.

SEEKING IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon