Verse of the Day.
"All athletes are disciplined in their training. They do it to win a prize that will fade away, but we do it for an eternal prize."
1 Corinthians 9:25Chapter 47
Her Point of View
[ Zoe Madelyn ]SHE'S GONE without any traces. And now, I miss her. I miss my sister. I miss the girl who's the cause of my jealousy towards my father. I miss the person who's the only one I treated as my best friend.
Nang dahil dito, naalala ko ang dahilan kung bakit kami nagkakilala hanggang siya ay nawala...
"Madelyn, come over here." I heard Dad called me. He's on his throne, wearing his almighty black royalty suit. Dali-dali naman akong lumapit sa kaniya, natatakot na baka ano pa ang kaniyang magawa sa'kin kung hindi ako lalapit.
"Mabuti," saad niya. "Nais kong gawin mo ang misyon na aking ibibigay ngayon."
Napakunot ang aking noo at nagtanong, "Ano'ng misyon iyan, Ama?"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo dahilan ng aking pag-atras. Siya'y tumingala, biglang ngumisi at humalakhak. Nagpalakad-lakad pa siya bago muli akong tignan. "Nabalitaan ko sa dati nating punong siyentista na nawawala ang kaniyang itinuturing pamangkin. Hindi na mahalaga kung paano ko ito nalaman. Alam mo naman siguro kung sino ang batang iyon, hindi ba?"
"O-Opo," kinakabahang tanong ko.
"Hmm," he hummed. "Come o'er here. I want you to listen carefully to my commands."
Sinunod ko ang kaniyang gusto. Lumapit nga ako pero ang hindi ko inaasahan ay ang paghigit niya sa aking mukha at hinigpitan ito ng kapit. "Gusto kong bantayan mo ng maigi ang babaeng iyon. Ang babaeng gusto kong humalili sa akin sa tronong ito. Sigurado akong mapupunta iyon sa basurang akademyang pinapasukan mo ngayon kaya bantayan mo siya ng maigi kung ayaw mong saktan ko na naman ang iyong ina."
Ang boses ng aking ama ay nakakatakot kaya agad akong napatango. Pabalang niyang binitawan ang aking mukha sanhi ng aking pagkatapon sa sahig dahil sa lakas ng pwersa nito. Sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha habang nanginginig ang mga labi. Hindi dapat ako sumusuko.
Sanay na ako pagmamaltrato ng ama sa ina ko at pati na rin sa aking sarili. Natatakot akong baka pagbuhatan na naman niya ng kamay at ikulong sa isang nakadidiring selda si Mommy.
Totoo nga ang sinabi ni Daddy. May bagong estudyante ang pumasok sa akademya. Malayo pa lang, alam kong kakaiba siya sa lahat. Nagtataglay siya ng malakas na pwersa kaya ang ibang estudyante ay hindi siya kayang tignan o dumaan man lang sa gilid niya.
Pinuntahan ko siya sa isang lamesa kung saan siya kumain. Umaalon ang kaniyang tsokolateng buhok at para siyang anghel sa paningin ko— o ng lahat.
Pilit kong pinaliwanag ang aking mukha at bumati sa kaniya. "Hi!"
"Hello?" hindi siguradong sagot niya. Nakikita kong parang hindi siya sanay na may lumalapit sa kaniya.
"Oh, come on! Huwag ka nang mahiya, I can be your friend. My name is Zoe Madelyn Wainright, the Top 8 in Rank SUPREMUS!" Napapansin kong sa bawat labas ng mga salita sa aking bibig ay tila sumasaya ako. Siguro sumasaya ako dahil sa wakas, makikilala ko na ang aking kapatid sa ama.
"Megami Maureen Shimizuo, new student here in your school," she introduced and showed her brilliant smile. "Are you sure you wanted to be friends with me? Besides, you're at the Rank SUPREMUS. We're not on the same shoes, though I'm beautiful."
"Don't worry about the ranking system... Hindi naman talaga importante 'yon." I smiled. Parang may kumakatok sa sistema ko, konsensya. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi lang ako lumapit sa kaniya dahil utos ito ni Ama. Lumapit din ako kasi gusto ko siyang makilala ng lubusan.
BINABASA MO ANG
SEEKING IDENTITY
FantasyAfter the death of her beloved known father, Ava Megami Maureen Shimizuo decided to do the mission her father wanted her to do; to find her real parents and seek her identity. Upon finding out who really she is and what she's capable to do, Ava too...