Chapter 36: Him, The Apostate

46 6 0
                                    

Chapter 36
Him, The Apostate
[ Kendreck Hoviery ]

Napunta kami sa isang maputik na bahagi ng lupa. Ang ibang kasamahan ko ay bumagsak pa at hilong-hilo, habang ako naman ay sanay na sanay na.

Sino ba namang hindi kung ito mismo ang abilidad mo? I sometimes hate this ability because even my own girlfriend hates this. Mahihilo raw siya at kahit anong oras ay pwede na siyang masuka. But having this in a situation that is really needed, I felt thankful for having this ability.

Sofia and Jenelyn was puking behind a tree while massaging their heads. Ella and the others was smelling a relaxing scent from a herbal that is transported into the small bottle.

I suddenly felt guilty for using teleportation for us. Pero nagmamadali na kami dahil sabi ni Sir Ed, ang mga Dark Entities ay nagsisimula nang sirain ang gubat ng Hero City. Gumalaw na sila at ito ang unang galaw nila na kailangan maagapan kaagad. Dahil kung hindi, ang mga diyos at diyosa ang haharap sa kanila sa pagsira sa dati nilang tahanan.

Then that means war. And war means destruction. A destruction that the enemy loves to do.

Lumapit ako sa kanila nang may pag-aalala sa mukha. "Hey... Pasensya na talaga," pagpapaumanhin ko.

"Ayos lang/It's okay!/This is important so better be not to feel guilt," halos sabay na wika nilang lahat. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. I'm lucky that I have friends like this. At hindi ko kakayanin kung may isa sa'min ang magta-traydor.

Out of nowhere, Sir Ed appears in front of Jenelyn. Nakasuot ito ng balabal na kagaya ng sa'min. A gold cloak designed by the green logo of the academy. Mayroon ring mga guhit na baging at halaman sa kung saan-saan sa damit. It's the cloak only for missionaries.

"Sir Ed!" gulat at nanlalaki ang mga mata naming sabi. Sir Ed really likes surprises! Magugulat ka nalang at inatake ka na pala sa puso sa gulat. Hays... pahamak talaga ang kalbong 'to! Kung hindi lang siya tatay ni Andrea at guro namin, kanina ko pa ito nabigyan ng kidlat!

"Chill, Supremus'," natatawang sambit niya. "Tara na bago pa masira ang buong gubat dito sa syudad ng mga bayani." Nauna na siyang maglakad at sumabay naman sa kaniya si Oscar.

Sumunod kami sa kanila. Agad kong nilibot ang aking paningin sa paligid. Ordinaryong gubat lang naman ito pero mamasa-masa ang lupa, dahil siguro sa ulan na bumuhos kanina no'ng nagteleport kami.

Suddenly, the forest became dull and dark. Kusang dumilim ang paligid kasabay ng paghangin ng malakas. Ang marahas na simoy ng hangin ang siyang nagpalipad sa mga tuyong dahon na nasa lupa. Like someone was controlling the dead leaves, it surrounded us. Tuluyan na kaming napahinto sa paglalakad at pinakiramdaman ang paligid.

The dead leaves were still flying around us. Pati ang mga puno ay nagsasayawan sa agresibong paraan. Tanging tunog lang ng mga nagtatagong insekto ang nakikisabay sa tunog ng mga alaga ng kalikasan. This is not good... Mukhang naamoy ng kalaban na rerespunde kaagad kami sa panganib na dala nila.

"What-what is happening?" tila bulong lang 'yon pero rinig ko pa ring sambit ni Sofia na nandito sa gilid ko.

Tulad niya ay nagsimula na rin akong kabahan. It's hard to fight an enemy whom we didn't even see. Kahit anong pag-ikot ng katawan namin upang hanapin ang nagkokontrol ay hindi namin ito mahanap.

"Stay behind and don't put your guards down," paalala ni Sir Ed. Tinanguan namin siya.

Sa isang iglap, may nagsilabasang mga Dark Entities na ikinaatras namin sa gulat. Kailan ba kami masasanay sa pagkagulat? Their disgusting odor and face surrounds us. Naghanda kaming lumaban hanggang sa una na silang sumugod.

SEEKING IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon