Chapter 42: "Where is she?"

49 6 0
                                    

Verse of the Day.
"Always be full of joy in the Lord. I say it again — rejoice!"
Philippians 4:4

Chapter 42
"Where is she?"
[ James Bradley ]

NAALIMPUNGATAN AKO dahil sa ingay na nagmumula sa ibaba. Papungas-pungas akong bumangon at bumaba para tignan ang nangyayari, pero agad ring nanlaki ang mga mata nang makita silang lahat na nakaupo sa lahat ng sofa sa living room.

"Ano'ng meron at nandiyan kayong lahat?" Lahat sila ay napatingin sa gawi ko, dahilan ng aking pag-atras paitaas ng hagdan. I squinted my eyes on them. "Ano'ng tingin 'yan?"

Tumayo si Sofia at lumapit sa'kin. She hooked her arms with mine, guiding me through the sit she was sitting in. Nang makaupo, napansin ko na ang lahat ay mayroong seryosong tingin, maliban sa'kin, gaya ng nakasanayan na nila.

Hindi nila ako sinagot. Magsasalita pa sana ako nang lumapit si Sofia sa tainga ko at bumulong. "We will first plan the executing of the remaining quarters of the Dark Entities before we proceed to the place where we planned to bond..."

I nodded, not giving her my full attention, and cleared my throat. Pilit kong pinapaseryoso ang mukha ko sa pamamagitan ng pagkunot ng aking noo. Hindi ko siya nilingon dahil baka ano pa ang magawa ko habang nasa harapan nilang lahat. Baka mapingot na naman ni Maureen ang tainga ko.

Wait, speaking of... Inilibot kong muli ang aking paningin sa buong sala. "Where's Maureen? Where is she?"

Nalaglag ang panga ko. Nagkasabay kami sa pagtatanong ni Jack! Lagot ako nito! Hala, baka isipin na naman nila na may gusto ako sa amazonang 'yon! Wala kaya. Maganda lang siya pero ayaw ko sa ugali niya! Nakakatakot, eh! Brrr...

Nahuli kong napatingin sa kinaroroonan ko ang best buddy kong si Jack. "Hehehe," kimi kong pagtawa. Jusko! H'wag naman sana niya akong bugbugin nito. Gusto ko pang pakasalan si Sofia... huhuhu!

Katahimikan ang namayani sa buong sala sa loob ng labing limang minuto, at sa mga oras na iyon, hindi pa rin bumababa si Maureen. Mas maaga siyang natulog sa'min, kaya papaanong hindi pa siya gising? Ang alam ko ay hindi lalagpas sa siyam na oras ang kaniyang tulog. At sa katahimikang ito, gusto ko ng sumigaw ng wagas.

Napakaboring! Nasaan na ba kasi ang malditang babaeng iyon!

Hindi ko na matiis ang katahimikan kaya tumayo na ako at lalabas na sana nang mapansing nakatingin silang lahat sa'kin. Tumayo na rin pala si Jack! Ano ba 'yan! Does our intestines entangled together? Kung anong gagawin ko, 'yon rin ang gagawin niya! Napagkakamalan ako nitong may gusto sa malditang girlfriend niya, eh! Tsk!

"A-Ano? Magpapahangin lang a-ako sa labas, napakatahimik niyo kasi! H-Hindi ako sanay," saad ko habang kinakabahang tumawa. Ano ba 'yan! Ako na lang lagi ang mapagkakamalang kabit ng mga mahal nila, huhu! Buti na nga lang at hindi na ako napagkakamalan ni Kendreck na may gusto kay Jane.

Lalapit na sana si Sofia sa lugar ko nang magsalita si Jack, "Pupunta lang ako sa kwarto niya. Maybe she just overslept." he said in a surprisingly cold tone.

Totoong napakunot na talaga ang noo ko sa inasal niya. Hindi naman ganiyan ka-lamig ang boses niya simula noong dito na tumira si Maureen sa mansyon... anong nangyari do'n? Nagseselos? Pero alam ko naman na hindi siya magiging gano'n sa mga walang kabuluhang bagay.

Tuluyan na siyang umakyat sa itaas, tumatakbo pa nga siya. Lumapit na sa'kin si Sofia at bumulong ulit, natatakot na basagin ang katahimikang namayani sa lahat. "I can feel him... he's nervous," she said. "At ano ba'ng problema mo? Bakit mo ako iniiwasan?" iritado niyang dagdag.

"Baka ano pa ang magawa ko..." bulong ko sa kaniya pabalik at tumawa ng mahina.

Nakita ko siyang umirap sa hangin. "Tsk. Ang manyak mo talaga! Sana si Helios na lang ang nagustuhan ko, ang tahi-tahimik pa." I glanced at the place where Helios was standing at, and glared. Maang naman siyang napatingin sa'kin na siyang inismiran ko lang.

SEEKING IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon