⚜️EPILOGUE⚜️

75 5 0
                                    

Verse of the Day.
"But if we confess our sins to him, he is faithful and just to forgive us our sins and to cleanse us from all wickedness."
1 John 1:9

EPILOGUE

Tatlong taon na simula nang mawala ang babaeng bigla-bigla na lamang dumating sa kanilang buhay. Ang kaniyang pagkatao ay nananatiling misteryo sa kanila. Maski ang kaniyang kapatid na si Zoe. Ang alam lang nito ay kapatid niya ito sa ama at wala ng iba pa.

Sa kasalukuyan, makikitang naglalakad ng mapayapa ang binata habang bitbit ang isang kakaibang nilalang. Makisig ang kaniyang pangangatawan at suot-suot ang natatanging tela na para lamang sa hari. Walang emosyon ang kaniyang mukha kung kaya't halos lahat ng nakakasalubong niya'y yuyuko at bumabati.

"Magandang umaga, Kamahalan."

Napahinto ang tinatawag na kamahalan ng isang katulong at sinabing, "Walang maganda sa umaga kung hindi ninyo papakainin ang nilalang na ito." Tumalima ang babae. Agad niyang kinuha ang bitbit na alaga ng hari at umalis.

Bumaba mula sa engrandeng hagdanan ang lalaki at doon niya nakita ang kaniyang mga kaibigan na ngayon ay nag-iingay na. Pero mas lalo lamang silang umiingay dahil sa may iilang mga bata ang nakapaligid sa kanila.

"Daddy! Raise me, please?"

"Hayop ka talagang lalaki ka! Nagkaanak na tayo't lahat, ganiyan ka pa rin! Kailan ba mawawala ang pagkamaasarin diyan sa katawan mo?!"

"Love, how are you? Sorry at ngayon lang kita nabisita rito sa palasyo, ah? Marami lang inaasikaso sa bayan. Don't worry, our wedding will not be postponed again."

"Oh, my gosh! Kaya ayaw kong may karelasyon, eh. Look at yourselves, you look so haggard because of overthinking some things connected to your marriage chaurvaness."

"Tss. I should've known this kind of scene. In that way, I might cancel this setup and just stay whole day at my shop. You guys are too noisy."

Napatigil ang lahat sa kani-kaniyang ginagawa nang namataan nila ang kanilang hinihintay. Sisigawan na sana ito ng isang babae sa gilid na may halong pula ang buhok nang makita niya ang suot nito. "Bakit hindi ka pa rin nagbibihis, Twinny? Don't you remember our schedule this day? We'll hang out to the mortal realm!"

"Hmm." He nods. "I didn't forget that. I will eat first, everyone can join me in the dining table."

Their plans for that day started. The king, Jack Harrison, opened a portal towards the Mortal Realm. Upon the swirling blue appeared in the golden frame, they entered there one by one. Series of lights met their eyes after stepping in, as though their minds seems like corrupted because of the side effect from the portal. 

Nang mahinto ng ikot ang portal, nagulat silang lahat dahil sa malalakas na busina ng mga kakaibang bagay. Tumatakbo ito habang minamaneho ng mga tao.

"Hoy! Tumabi nga kayo!" sunod-sunod na sigaw at busina ang kanilang naabutan. Agad silang tumakbo sa kanilan destinasyon at tatawa-tawang namahinga.

"Saan kaya rito ang bahay ni Maureen? Malay natin, nandito lang pala siya, ano?" nahihimigan ang lungkot sa boses ng lalaki, si James na ngayon ay may anak na. Iniwan niya lang ito sa kaniyang ina dahil gusto nilang magsaya sa mundo kung saan nanggaling ang kanilang kaibigan na bigla na lamang nawala.

May kani-kaniya na silang buhay habang pinamumunuan ang lugar kung saan sila ang dapat namumuno. Si Jack Harrison ay isa nang ganap na hari sampung buwan na ang nakalipas. Isang malungkot na hari dahil sa kaniyang mahal na lumisan.

Ang kaniyang kambal at ang nobyo nitong si Kendreck Hoviery ay nagpa-plano pa lamang na ikasal. Hindi nila minamadali ang takbo ng pangyayari sa kanilang buhay. Habang si Sofia at James Apartelle ay mayroong isang anak na lalaki, dalawang taong gulang. At ang iba sa kanilang mga kasama ay nananatiling lider na walang katipan.

Ngayon ay kumakain sila sa isang sikat na kainan sa Manila habang nag-uusap patungkol sa mga bagay-bagay. While they are eating, a strong presence interrupted their chatters. Pati ang kanilang paghinga ay nahinto pero kalauna'y nagtaka dahil nawala na lamang ito bigla.

"Napansin n'yo 'yon?"

"That presence is familiar, but I can't really tell when did I feel that."

"Likewise."

Even though they are so curious to know who owns that presence, they still continue what they are doing. They finish eating and decided to stroll out of the city. They walk and sometimes buy using the gems they brought.

As they was about to enter the famous university in the city, a lady caught their attention. The person whom they didn't expect to see. With her familiar built, they are absolute that it's her.

END OF BOOK 1

e g g a r r u

SEEKING IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon