08
Naupo na ulit ako sa high chair doon sa may glass display nang makabalik ako. Maya-maya lang ay dumating na rin iyong tatlong nagtatrabaho rin kay Mrs. Feng pero part time lang dahil mga estudyante pa. Iyong isa ay naglinis na muna sa buong shop habang ang dalawa ay katulong na namin dito.
Mas dumagsa ang mga nagtitingin sa shop nang maghapon na. Buti na lang ay mas marami na kami ngayon na naga-assist sa mga customer kaya hindi gaanong mahirap. Medyo mabagal pa naman ang galaw ko dahil iniingatan ko pa rin ang braso ko.
Hindi ko na nabilang ang oras dahil paikot-ikot lang naman ang ginagawa namin buong araw. Kapag may darating na customer ay aasikasuhin at tatanungin kung ano ang kailangan tapos kapag bibili ay itinuturo ko na agad kay Ate Sheena tapos maghihintay na lang ulit ng panibagong customer na darating. Tsaka ko lang naramdaman ang pagod nang mag-gabi na at oras na para magsara.
"Ingat kayo!" ani Mrs. Feng nang oras na para magsara. 10 pm na rin at sabay-sabay rin kaming uuwi. Sobrang haba ng araw namin ngayon dahil ang daming nagsibilihan. Nagugulat pa nga ako dahil akala mo candy lang ang binibili nila e.
"Ingat din po!" sagot na lang namin bago kami naghiwa-hiwalay para umuwi. Bukas, alas siete ng umaga ako darating dito dahil ganoon ang oras ng pasok. Wala namang kaso sa akin. Mag-iinarte pa ba ako?
Umuwi ako ng bahay para lang maglinis ng katawan dahil feeling ko ang lagkit ko na. Pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa ospital.
"Ate," tawag ko kay Ate Helen nang makarating ako. Natanaw ko sina Jimboy at Maccoy na natutulog na roon sa bakanteng kama sa dulo.
"Oh saan ka ba galing? Hindi ka na bumalik."
"May trabaho na kasi ako do'n sa pwesto ni Mrs. Feng. Alam mo 'yon hindi ba?" paliwanag ko.
"Ganoon ba? Paano iyon, dalawa na trabaho mo?"
"Hindi pa naman ako makakapasok doon sa isa dahil dito," sabi ko sabay pakita ng braso ko.
"Sa bagay," aniya.
"Ako na ba ang magbabantay kay Tatang? O iuuwi ko na lang iyong dalawa?"
"Iuwi mo na lang muna iyong dalawa. Pagod na ang mga iyan e." Sabay naming tiningnan sina Jimboy at Maccoy na magkatabi habang natutulog.
Tumango ako tapos ay tumingin kay Tatang na natutulog ulit. Buti na lang ay hindi ko siya naabutang gising dahil magu-guilty na naman ako. Kakausapin ko naman siya pero huwag muna ngayon. Kahit iyon man lang, mapaghandaan ko.
"Jimboy...Maccoy..." Tinapik ko iyong dalawa para gumising. Hindi naman ako nahirapan at unti-unti rin silang nagising. "Uwi na tayo."
"Si Lolo po, Ate Jeorge? Gising na ba?" tanong agad ni Maccoy.
"Natutulog ulit e," sagot ko.
"Edi huwag po muna tayong umuwi. Hintayin natin siyang magising, Ate."
"Hindi pwede. Pagod na kayo oh.. Uwi na muna tayo pero babalik din tayo bukas. Okay ba 'yon?"
Nagdadalawang-isip pa sila kaya naghintay ako ng sagot bago sila tumango.
"Okay..." sabay nilang sagot kaya napangiti ako.
"Good boys," ani ko sabay buhat sa kanila pababa noong kama. "Una na kami, Ate Helen." Hawak ko sila sa magkabilang kamay ko.
"Ingat kayo ha." Hinalikan niya muna sa pisngi iyong dalawa bago kami umalis.
Nang makauwi kami ay nakatulog na rin iyong dalawa. Isang buong araw ba naman sila sa ospital. Talagang bagsak iyan pag-uwi.
BINABASA MO ANG
She Who Stole the Magic Lamp (Villain Series #2)
RomanceVILLAIN SERIES #2 (COMPLETED) Maling taong nanakawan. Josefina Marie Georgel Guerrero is a thief wandering around the city. What would happen if her last victim would be her target for the next mission given to her - to steal the magic lamp? Would...