Chapter 45

100 12 1
                                    

45

Nanigas na ata ako sa kinatatayuan ko. Hindi na ako nakaupo hanggang sa tumayo si Grant at naglakad palapit sa akin. Nakita ko pa ang pagpasada niya ng tingin sa katawan ko at binalik din sa mga mata ko.

Hindi agad siya nakapagsalita at bahagyang napakamot sa batok na parang nabigla rin sa paglapit at hindi alam ang sasabihin. Mabuti at nasa gilid lang kami at hindi naman kapansin-pansin ng ibang mga nasa firm.

"You're here…" aniya.

"Ah oo. Hinihintay ko si Atty. Mercado."

"Oh? Atty. Mercado?" I nodded. "Under niya ako."

My mouth formed an 'o'. Nakita niya siguro ang kalituhan sa akin.

"I work here. Part time lang since law student pa lang. For experience…"

Ah, galing mo!

"That's good," I said instead.

"Para saan ba iyong kailangan mo?"

"Sa company lang nina Isaac. Nag-represent lang ako dahil busy siya."

"I see. Company lawyer nga pala doon si Atty."

"Oo nga eh." Halos murahin ko na ang sarili ko sa utak ko dahil sa walang kwenta kong mga sagot.

"You're working under Isaac?"

"Habang nandito lang ako."

He nodded. Parang may sasabihin siya pero hindi naman tinuloy. Tumingin siya sa relos niya tapos ay tumingin ulit sa akin.

"Hindi mo naabutan si Atty. Baka mamaya pa iyon dahil may mga gagawin ngayong araw sa ibang lugar," sabi niya.

"Gano'n ba? Hihintayin ko na lang."

Saglit kaming nagkatinginan kaya tumikhim ako. He licked his lower lip and glanced at his table then back at me.

"Sigurado ka? Baka matagalan iyon."

Tumango ako. "Ayos lang."

Para siyang nag-aalangan kung babalik pa ba sa table niya o kakausapin pa ako.

"May ginagawa ka pa ata. Tuloy mo na. Ayos lang ako rito," sabi ko.

"Medyo busy lang. Pero kung may kailangan ka..."

Kita ko nga. Feeling ko hindi nauubusan ng gawain ang mga tao rito.

Tumango ulit ako at matamang ngumiti.

"Sige lang. Hintayin ko lang si Atty. Mercado."

Nagkatinginan pa kami ulit hanggang sa tumango siya. Nag-aalangan pa rin siya kung iiwan ako rito pero dahan-dahan din bumalik sa pwesto niya kanina. Naupo na rin ako at nagkatinginan ulit kami nang bumaling ako sa pwesto niya at nakatingin siya sa akin.

I cleared my throat and looked at the other side instead. Tahimik akong naghintay habang pinapanood ang mga ginagawa ng mga tao sa firm. Panay ang pag-angat ng tingin sa akin ni Grant pero hindi na ako tumitingin pabalik. Akala ko ba maraming gawain?

Nang halos isang oras na ay binuksan ko ang phone ko at nakita ang iilang readings na sinend ni Hans. Para raw sa second sem kaya doon ko naman inabala ang sarili.

Kapag may mga pumapasok na mga lalaking pormal ang suot ay napapatingin ako tapos ay titingin sa assistant para sa heads up pero wala naman kaya nagbabasa na lang ulit.

Natapos ko ng basahin ang isang file pero hindi pa rin dumating si Atty. Mercado. Medyo nagugutom na rin ako. Tumingin ako sa mga tao na ang iba ay naglalabasan pero may mga nanatili sa lamesa. Tumingin ako sa relo ko at lunch na pala.

She Who Stole the Magic Lamp (Villain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon