Epilogue (Part 1 of 5)
"Parang gusto ko ng hopia."
I shut my eyes and groaned as I lazily stood up from the sofa.
"Fine, I'll buy it." Ngumisi sa akin si Lolo dahil kahapon pa siya nagpaparinig sa hopiang Binondo na iyan. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at umalis na.
I don't even know why I always follow him. Maybe because I'm closer to him than to my parents that I spent most of the years of my life with him. Magrereklamo ako pero gagawin ko naman. But there's really this one thing that I can't obey. He wanted me to pursue something related to construction. I don't want it. So I took Political Science. End of story.
But the decision comes with thousands of arguments and nagging from my parents and sometimes, from Lolo. I don't mind. Minsan nagdadalawang-isip ako sa desisyon ko pero tinuloy ko pa rin. I just don't even know why I'm still hesitant. I'm in fourth year for fuck's sake. Just a little bit more push and I'll finish this degree.
"Santisima.. Nasaan na ba ako?" Problemado akong nagpalinga-linga sa dami ng tao. Pinark ko ang dala kong sasakyan sa may simbahan tapos ay nilakad na lang ang papunta rito. I only went to that hopia store once. Ngayon hindi ko na matandaan kung nasaan.
Kanina pa ako nagpapalakad-lakad dito. Puro stalls lang ang nakikita ko at iyong wet market sa 'di kalayuan. Tirik na tirik pa ang araw at nagugutom na ako. Pambihirang hopia naman 'to.
I was busy looking around when someone bumped into me. Nahulog ang hawak kong phone kaya pinulot ko bago tingnan ang nakabangga.
"Hala sorry! Pasensya na hindi kita nakita," aniya.
I stood up straight to face the woman. She looked stunned but I wasn't able to skip how she looked. Her hair is curly and her skin is a bit darker. I don't know what has gotten into me but my first thought of her is that she looks beautiful.
What the heck? Kulang lang ata ako sa landi nito. Ayain ko nga sina Dos mag-bar.
"Sorry, I wasn't able to see you either."
"Ah okay lang," sagot niya.
Iniwasan ko na titigan siya masyado at napalinga-linga na lang ulit sa paligid at baka sakaling mahanap ko na iyang lintik na hopiang iyan.
"Okay ka lang?" I heard her say.
Tumingin ako sa kanya pabalik. Mamaya ko na lang hahanapin iyong tindahan. Nagugutom na talaga ako. Hindi pa ako nag-aalmusal. Lunch na ata at nandito pa rin ako.
"Do you know somewhere I can eat here? Wala akong mahanap na fast food. Hindi ko alam kung safe ba mga pagkain dito," I said.
"Ah, meron doon sa kabilang kanto. Malinis naman doon."
"Saan?" tanong ko. Parang natigilan pa siya at may natanto.
"Naliligaw ka ba?"
"Kinda." I answered shortly.
"Ah."
"Kakapalan ko na ang mukha ko Miss ha. Pwede mo ba akong samahan doon sa kainan? Nahihilo na ako sa lugar na 'to." At hindi ko na hihintaying bumulagta pa ako rito.
She looked stunned again. I tried to look friendly. Alam ko namang makapal talaga ang mukha ko. Okay na iyan. Lilibre ko na lang siya.
"Okay."
Hindi ko nga alam na pagsisisihan ko rin!
"Hoy! Gago, wallet ko!" I screamed as I watched her back running away from me. Tinakbo ko rin iyon pero ilang segundo lang ang pagitan ay hindi ko na siya makita.
![](https://img.wattpad.com/cover/269983337-288-k269025.jpg)
BINABASA MO ANG
She Who Stole the Magic Lamp (Villain Series #2)
RomanceVILLAIN SERIES #2 (COMPLETED) Maling taong nanakawan. Josefina Marie Georgel Guerrero is a thief wandering around the city. What would happen if her last victim would be her target for the next mission given to her - to steal the magic lamp? Would...