11
"Luto ko lang 'to saglit sa bahay ha," paalam ni Mrs. Feng sa amin nang maibigay ko na iyong tikoy pati ang sukli at resibo.
Cravings talaga.
"Sige po," si Henry na ang sumagot dahil naging abala na kami ulit dahil sa mga customers.
Pagkatapos lang ng isang oras ay bumalik na rin siya at may dala ng tupperware ng lutong tikoy!
"Oh eto, mag-merienda na kayo. Niluto ko na talaga lahat para kasya sa ating lahat," ani Mrs. Feng sa amin kaya naghiyawan naman ang mga kasamahan ko at nauna ng kumuha roon. Sumunod na rin kami ni Ate Sheena na natatawa na lang sa kanila.
"Ang tatakaw naman! Tirhan ninyo kami ni Jeorge!" sabi nito at kumuha na roon dahil pinagbigyan naman kami.
Hindi rin naman kami makapagsalo-salo dahil sunod-sunod pa rin ang dating ng mga customer kaya pumuwesto na lang kami ulit at pasubo-subo na lang sa tikoy. At least nakalibre na merienda. Minsan lang ito 'no! Hindi na ako tatanggi dahil mamayang gabi pa ako makakakain ng hapunan pag-uwi. Ito talaga ang pinaka-effective na diet.
Kapag wala kang makain.
Nasanay na rin ako sa mga trabaho ko sa araw-araw. Mas hindi na nga ata ako sanay sa day off. Kaya sa dumaan pang isang linggo ay hindi na ako napapagod ng sobrang tuwing umuuwi dahil nasanay na ang katawan ko. Sa bilis ng araw ay hindi ko na namalayan na malapit na pala ang katapusan ng buwan. Ibig sabihin, malalagasan na naman ako ng pera.
Dati masaya ako kapag ganitong mga araw dahil sasahod e. Ngayon hindi na ata ako natutuwa. Butas bulsa na naman, bwisit!
"Gano'n na po kalaki?!" Gulantang na tanong ko kay Aling Bebeng. Ang tinutukoy ay iyong utang naman sa tindahan niya.
"Halos dalawang buwan din kasing lista 'to Jeorge," aniya kaya napatango ako habang hinihilot ang sentido.
"O-Okay po… Babayaran ko po sa katapusan Pramis…" Ni hindi na ako nag-effort na siglahan ang boses mo dahil nanghihina na naman ako! Kapag mga ganito talaga nanlalambot na mga tuhod ko.
Umuwi na rin ako pagkatapos dumaan kina Aling Bebeng. Napapahilot pa rin ako sa sentido habang naupo muna sa mahabang bangko sa labas lang ng bahay. I heaved a deep sigh to figure things out.
Kung magbabayad ako kina Aling Bebeng ay malaki iyong mababawas sa sweldo ko galing sa jewelry shop. Doon lang kasi ako susweldo dahil monthly ang sweldo sa pagawaan ng sipit kaya next next week ko pa makukuha ang sweldo ro'n. Sa jewelry shop kasi ay tuwing 15th and 30th of the month gaya ng schedule ko kay Grant.
Kaya… paano na?!
"Gusto ko na lang maging hotdog!" I groaned in frustration.
Napasabunot na lang din ako sa sarili habang nagpapapadyak. Buti na lang ay wala nang taong dumadaan dahil gabi na kundi nachismis pa akong nababaliw na.
Natigil lang ako nang mag-vibrate ang phone ko. Pero nang makita ko kung sino ang nag-text ay napasabunot na naman ulit ako. Napakaganda naman ng timing nito! Saktong nagkakakrisis talaga ako 'tsaka siya aariba ng text?!
S4ntino:
BGC. 7 pm. 😚Lintik na emoji 'yan!
Naiinis na nga ako sa text niyang kulang na naman sa detalye ng location tapos ayan na naman iyang emoji niya. Nang-aasar lang talaga e. Gusto kong ng ibato ang phone ko pero pinigilan ko lang dahil wala na nga akong pera tapos babaragin ko pa!
Huminga muna ako ng ilang beses para kumalma.
Relax lang Jeorge. 'Di mo deserve mapanot dahil kay Grant. Relax…
BINABASA MO ANG
She Who Stole the Magic Lamp (Villain Series #2)
RomanceVILLAIN SERIES #2 (COMPLETED) Maling taong nanakawan. Josefina Marie Georgel Guerrero is a thief wandering around the city. What would happen if her last victim would be her target for the next mission given to her - to steal the magic lamp? Would...